Aljur Abrenica, Masaya Raw sa Buhay Ngayon sa Kabila ng Hiwalayan Nila ni Kylie

Matatandaang nitong nakaraang buwan lamang ng umugong ang usap-usapan sa social media na hiwalay na ang celebrity couple na si Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Kinumpirma naman ito ng tatay ni Kylie na si Robin Padilla sa kanyang interview kay Ogie Diaz. Ayon kay Robin, pambababae ni Aljur ang naging ugat ng hiwalayan ng mag-asawa.

Hindi na rin nagsasama sa iisang bubong ang mag-asawa, at lumipat na sa kanilang bagong bahay si Kylie kasama ang dalawa nilang anak. Gayunpaman, nananatiling positibo ang pananaw ni Aljur sa buhay. Patuloy rin nitong pino-promote ang kanyang bagong pelikula na ‘Nerisa.’

Read More: Ogie Diaz, May Prangkang Advice kay Dani Barretto Tungkol kay Kier: “Mag-Ama pa rin Kayo”

Humarap si Aljur sa isang virtual press conference upang i-promote ang pelikula niyang ito. Ang leading lady niya dito ay si Cindy Miranda, rising sexy star ng Viva Entertainment.

Sa kabila ng kanyang mga pinagdadaanan ngayon, ibinahagi ni Aljur na masaya siya. Walang halong kaplastikan ang sagot ng aktor. Pinipilit niya rin daw maging positibo, lalo pa’t alam niyang choice niya naman ang pagiging kuntento sa buhay.

“Masaya po talaga ako. When it comes to my personal life, it’s always been a choice to be happy. Choice mo pa rin kung magiging masaya ka o hindi. Para sa ikabubuti ng lahat, sa mga anak ko, lahat-lahat. You know, I choose to be happy. Kasi, pag hindi ako maayos, hindi magiging maayos ang lahat,” giit ni Aljur.

Nadawit rin si Cindy sa hiwalayan ng mag-asawa, ngunit tahasan naman itong idineny ng aktres at iginiit niya na professional ang kanilang relasyon ni Aljur. Kaya naman humingi rin si Aljur ng patawad mula sa kanyang co-star dahil sa pagkakadawit ito sa kanilang isyu mag-asawa.

“Gusto ko pong huminga ng pasensiya sa lahat. Sa lahat po na nadamay. Hindi nila deserved yun,” pahayag ni Aljur. Maging ang naka-trabaho nito dati ay napagtuunan ng pansin ng mga netizens, ngunit mas pinili ni Aljur na manahimik.

Read Also: “Pang jowa talaga siya”- Sanya Lopez, Aminadong Ready Jowain ang Hot Actor na ito Kahit pa May Girlfriend na!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment