Para sa isang ina, wala na sigurong mas sasakit pa ang mawalan ng anak. At kahit hindi na niya kapiling ang kanyang anak, habambuhay naman itong bahagi ng kanyang puso. Gaya na lamang ng actress na si Heart Evangelista. Kamakailan lang, inalala ng aktres ang kanyang naging mapait na karanasan.
Ilang taon ng kasal si Heart sa kanyang asawang si Sorsogon Governor Chiz Escudero. At noong May 2018, masayang ibinahagi ni Heart na siya’y nagdadalangtao. Walang kapantay ang saya ni Heart at Chiz matapos mabiyayaan ng kambal na anak na matagal na nilang ipinagdadasal.


Read More: Angel Locsin, Ginulat ang mga Fans sa Kanyang Bagong Hair Transformation!
Bilang first time mom, excited si Heart sa kanyang pregnancy journey. Nagparenovate din sya ng nursery room sa kanilang bahay sa pagdating ng kanilang kambal. Ngunit hindi nila inaasahan na panandalian lang ang kasiyahang ito nang magkaroon ng miscarriage si Heart.
Ngunit kahit pa hindi na nila kasama ang kanilang anak, patuloy pa ring inaalala ni Heart at Chiz ang kanilang kambal. Tatlong taon na ang nakalilipas, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalimutan ang kanilang mga angels. Kaya naman nag-dedicate ng mensahe si Heart sa kanila.

“Today is your birthday. Know that mama thinks about you,” pahayag ng aktres. Nagbahagi rin siya ng larawan ng nursery ng kanyang kambal. At kahit pa simple lamang ang mensahe ni Heart, punong puno ito ng pagmamahal sa kanyang mga anak.
Sa kabilang banda, nitong nakaraan lamang ay nagpost si Heart ng larawan kung saan makikitang hawak hawak niya ang kanyang tyan. Marami ang nagtanong kung nagdadalangtao ba siya, ngunit pabiro naman itong sinagot ng aktres na busog lang siya sa Bon Chon.

Read Also: Julia Montes, Napagod na sa Pagtatago! Inamin sa Publiko ang Lovelife Niya Ngayon
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment