"World's Hottest Math Teacher," Labis na Nagandahan kay Ellen Adarna at Nais Itong Ma-Meet sa Personal!

Isa si Ellen Adarna sa mga pinakasikat na sexy actress sa industriya ng showbiz. Hindi maipagkakaila na talagang bukod tangi ang ang kagandahan at kaseksihan ng Cebuana beauty na ito. Kaya naman hindi na rin nakakapagtaka kung bakit maraming lalaki ang nahuhumaling sa kanya, at isa na sa kanila ay ang viral teacher na ito.

Naaalala niyo pa ba si Pietro Boselli? Sumikat siya sa social media matapos mabansagang “World’s Hottest Math Teacher.”

Nagbabahagi siya ng mga lessons tungkol sa Math, ngunit mukhang nadi-distract ang mga netizens sa kanyang kagwapuhan! Ngunit mukhang naagaw na ni Ellen ang atensyon ni Pietro.

Read More: Kampo ni Katrina Halili, Nilinaw na ang Totoong Namamagitan sa Kanila ni John Lloyd Matapos Kumalat ang Larawan Nila Online

Sa isang interview noong taong 2017, inamin ng viral Math teacher na may nagpakita sa kanya ng larawan ni Ellen Adarna. Noong unang beses na nakita niya ito ay labis na raw ang kanyang pagkamangha dahil sa natatanging ganda ng aktres. Kaya naman nais niya raw itong makilala sa personal.

“I did see your picture and I thought you were really beautiful. She’s beautiful. I am really looking forward to meeting you. Hopefully very soon. I don’t know why they have not introduced us yet,” pahayag ni Pietro. Ayon pa dito, willing siyang pumunta ng Pilipinas para lamang makita si Ellen.

Sa kabilang banda, nang tanungin tungkol sa paghanga sa kanya ng Math teacher, ipinahayag naman ni Ellen na flattered siya dito. Nagbiro pa ang aktres na mas lalo daw siyang naging interested sa Math matapos makita si Pietro.

“Hi Pietro! I saw your interview and I realized all of a sudden that I love math. Bigla akong naging interested in math. Math is my favorite subject from now on. Ok na ako sa addition, subtraction, multiplication, at division. Doon na tayo sa calculus. I can’t wait to see you and I will make time for you.”

Read Also: Jake Zyrus, Aminadong 5-Anyos pa Lang Siya ay Kinukwestiyon na Niya ang Kanyang Katauhan

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment