Hindi madali ang trabaho ng mga delivery riders. Sa kalagitnaan ng pandemic, tinataya nila ang kanilang kaligtasan para lamang maghatid ng mga essential deliveries sa kanilang mga customers. Ngunit sa kabila ng kanilang buwis-buhay na trabaho, nakakalungkot isipin na hindi nasusuklian ang sakripisyo ng mga delivery riders.
Sa katunayan, mayroon pang mga taong nagsasamantala sa mga riders. Kasama na riyan ang mga scammers at iba pang may maitim na balak. Kamakailan lang, isa na namang rider ang nabiktima habang naka-duty.
Hindi mapigilang maiyak ng rider na ito matapos manakaw ang kanyang cellphone na ginagamit niya sa paghahanapbuhay.

Read More: Haba ng Hair! China Roces, Kinilig sa Bagong Surprise sa Kanya ni Mr. Anonymous
Nag-viral ngayon sa social media ang nakakaawang sitwasyon ng rider na ito. Ayon sa rider, habang hinahanap niya ang delivery point ng kanyang customer ay bigla na lamang may humablot sa kanyang cellphone. Dahil dito, hindi na rin niya maideliver ang gamot na dapat sana’y dadalhin niya sa bahay ng kanyang customer.
Mababakas sa mukha ng rider ang pagkalungkot at panghihinayang sa pagkawala ng kanyang cellphone. Ayon sa di napangalanang rider, hinuhulugan niya pa ang cellphone na iyon sa Home Credit. Bukod pa dito, mayroon rin siyang isiniksik na kaunting ipon sa likod ng phone case nito.
Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang hindi mapigilang magalit dahil sa pangyayaring ito. Marami rin ang nais na mag-reach out sa rider upang makapagbigay ng kaunting tulong dito. Silipin ang komento ng mga netizens.

“Mga hinayupak kyong mga mag holdaper.sa mundong ito pareparehas tyong nag hhirap maawa nmn kyo syo mga kapwa nyong tao.”
“Wag k mag alala sir marami tutulong syo tiwala lng sa panginoon dyos marami cya ipapadala syo mga angel n tutulong syo.”
“Pray lang kuya ang nawala saiyo ay ibabalik yan ni God mas doble p sa nawala saiyo.”
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment