Jon Gutierrez, Diretsahang Sinagot Kung Mahal Niya pa ba si Jelai Kahit pa Kinasuhan Siya Nito!

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang on-and-off na pagsasama ng celebrity couple na sina Jon Gutierrez at Jelai Andres. Noong nakaraan lang ay sinampahan ng kaso ni Jelai ang kanyang asawa matapos siya nitong lokohin ng paulit-ulit. Matatandaang July 2020 nang muling pumutok ang isyu ng panloloko ni King Badger.

At upang sagutin ang mga kontrobersya at nagsagawa ito ng “Question and Answer” sa kanyang vlog. Dito ay diretsahang sinagot ni King Badger ang mga tanong ng mga netizens mula sa social media. Kabilang na dito ang mga tanong tungkol sa kanyang personal na buhay, love life, at career.

Read More: Actor-Dancer John Prats, Masayang Winelcome ng Showtime Family Bilang Bagong Direktor Nito

Isa sa mga tanong na sinagot niya ay kung mahal niya pa ba si Jelai kahit pa kinasuhan siya nito. Imbes na hindi ito sagutin at mag-move on na lamang sa next question, mas pinili pa rin niyang sagutin ito upang ma-express ang kanyang totoong nararamdaman para sa kanyang asawa.

Paglilinaw naman ni King Badger, kahit pa marami silang pinagdaranaan ngayon ay hindi pa rin kumukupas ang pagmamahal niya sa kanyang asawa. Ayon pa dito, handa siyang harapin ang mga consequences ng kanyang pagkakamali kay Jelai, at handa rin siyang harapin ang isinampang kaso nito sa kanya.

“Just because kinasuhan ako, that doesn’t take away the good memories and lahat ng pinagdaanan namin. Nothing will change in terms of love. Yung kaso, kaya kong harapin yan, kaya kong pagdusahan yan. The answer to the question is yes, I still love my wife. Hindi yan mawawala. I will still love her kahit makulong ako.”

Sa kabilang banda, mukhang hindi naman na-appreciate ng mga netizens ang sagot na ito ni King Badger. Ayon sa mga netizens na nag-comment sa kanyang video, mahirap ng paniwalaan ang pagiging sincere ng Ex-Batallion member dahil ilang beses na rin itong nagsinungaling dati.

Silipin ang iba pang mga komento ng mga netizens dito tungkol sa Q & A ni King Badger:

“Please lang wag nyo ng hilingin na magkabalikan si Jon at Jelai. Maawa naman kayo kay Jelai.”

“Hindi sa lahat ng pagkakataon deserve ng isang tao ang “forgiveness at another chances” lalo na kung paulit ulit mo ginagawa ung mga pagkakamali.”

“Ka badtrip ung marinig na “I still love her” bakit paulit-ulit mong niloloko kung totoong mahal mo?! Hustisya pra sa mga kababaihan na paulit-ulit na niloloko!”

Read Also: “Never say never”- Toni Gonzaga, May Plano nga Bang Sumabak sa Politika?

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment