Maraming pamilya ang talagang naapektuhan ng pandemic. Mahirap man o mayaman, ramdam ng bawat pamilya ang epekto ng krisis na ito. Maging mga artista ay hindi rin nakaligtas sa hagupit ng pandemic, at isa na sa kanila ay ang celebrity host na si Herlene Budol. Si Herlene ay mas kilala bilang “Hipon Girl” sa game show “Wowowin.”
Kamakailan lang ay nagpaunlak si Herlene ng one-on-one interview kay Toni Gonzaga. Sa kanyang segment na “Toni Talks,” nag-open up si Herlene tungkol sa kanyang mga pinagdaanan ngayong pandemic. Hindi rin nito mapigilang maging emosyonal habang inaalala ang kanyang mga pagsubok.

Read More: Rob Moya, May Isang Malaking Pinagsisisihan Matapos Silang Magkabalikan ni Toni Fowler
Ayon kay Herlene, nasimot ang kanyang ipon na P100,000 noong magsimula ang pandemic. Ang perang ito ay naipon niya pa noong co-host pa siya ni Willie Revillame sa “Wowowin.”
Ngunit dahil walang trabaho ang kanyang lolo at lola, napilitan si Herlene na gamitin ang kanyang savings upang may maipangtustos sila sa pang-araw araw na pangangailangan nila.
“Buti nga nag-ipon ako, kung hindi wala, patay na kami ng pamilya ko dahil sa pandemic na’to. Siyempre, buong angkan ko, sa akin nakaasa. Talagang walang-wala. Na-anxiety ako. Umiiyak ako araw-araw. Dumating ako sa puntong parang ayoko na. Walang-wala na talaga. Back to zero kami,” pahayag ni Herlene.

Dalawang taon pa lamang siya sa showbiz industry, ngunit ramdam na ni Herlene na hindi ito pang-habambuhay na propesyon.
Malaki rin daw ang pasasalamat niya kay Alex Gonzaga dahil tinulungan siya nitong simulan ang kanyang vlogging career, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa niya nakukuha ang kanyang sahod dito.
“Totoo yung sinasabi, hindi habambuhay nasa TV ka. Dalawang taon pa lag ako, tignan mo, wala na kaagad. Ang hirap, ang hirap din umasa. Naging kampante din kasi po ako, ‘Uy, baka sa susunod meron na ako.’ May kumuha sa akin kapag tinanggal ako dito, pero zero totally,” dagdag pa niya.
Upang makatulong kay Herlene, nangako naman si Toni na ibibigay niya dito ang lahat ng kikitain ng kanilang interview.

Read Also: Netizens, Kinilabutan sa Tumpak na Pangitain ni Rudy Baldwin sa Malakas na Pagyanig ng Lupa!
Panoorin ang buong video dito:
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment