Mariel, Proud sa Side Hustle ng Mister na si Robin Bilang Delivery Boy Ngayong Pandemic

Ngayong pandemic, mahirap man o mayaman na pamilya ay apektado. Kaya naman maging mga artista ay naghahanap ng ibang raket at pagkakakitaan upang may maipangdagdag kita ngayong pandemya. Karamihan sa kanila ay nagsimula ng business, at isa na sa kanila ay ang Kapamilya host and actress na si Mariel Padilla.

Matatandaang May 2021 lamang nang simulan ni Mariel ang kanyang online meat shop business. Ayon sa aktres, nais niyang makatulong sa kanyang asawang si Robin Padilla upang maibsan ang kanilang mga gastusin sa bahay. Kaya naman itinayo niya ang meat shop business upang may maiambag sa tuition fee ng kanilang mga anak.

Read More: Heart Evangelista, Nag-Alay ng Madamdaming Mensahe sa Namayapang Anak na si Baby Mira

“Nahihiya na ako kay Robin. Ito talaga ang gusto ko, na doon sila mag-aral kasi meron akong dreams for them. Gusto ko may maimbag ako. Gusto ko mayroon akong masi-share para walang kahit sinong tao ang makakapagkuwestiyon kung bakit sa ganoong school pumapasok ang mga anak ko,” pahayag ni Mariel.

Todo support naman ang kanyang mister sa kanyang bagong business. Sa katunayan, tumutulong rin si Robin upang mas lalong lumago ang business ni Mariel.

Kamakailan lang, ibinahagi ni Mariel na proud siya sa kanyang bagong delivery boy. Ang mister niya mismo ang nagdedeliver ng mga orders ng kanilang customer sa Las Pinas.

Ayon kay Robin, malaki rin ang pasasalamat niya sa mga taong tumatangkilik sa business ng kanyang misis. Nangako rin ang beteranong aktor na sa susunod ay magdedeliver rin siya sa ibang area upang makita ng personal ang mga customers nila.

“Ma’am Cha, maraming salamat po sa patuloy na na pagtangkilik sa ‘Cooking in a Food Market.’ Very loyal customer ang family ni ma’am. Las Pinas po ang area ng delivery ko kahapon. Pasensya na po sa mga nag-antay sa Paranaque at Manila. Maraming salamat po sa mga order niyo. Next time ako na po ang kakatakot sa inyong mga pinto.”

Read Also: Kilalanin ang Flawless Misis ni Makisig Morales na Isang Australian Beauty Queen!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment