"Utang na 1 Million, gone!"- Donnalyn, Isiniwalat ang Panlolokong Ginawa sa Kanya ng Kapwa Youtuber

Naging usap-usapan sa social media ang di umano’y panlolokong sinapit ng social media influencer na si Donnalyn Bartolome sa kamay rin ng isang kapwa niya Youtuber. Sa kanyang official Facebook page, isiniwalat ng ‘social media goddess’ na may isang sikat na Youtuber na umutang sa kanya ng P1 million, ngunit sinira nito ang tiwala niya.

Matapos pautangin ay nangako ang Youtuber na agad niyang ibabalik, ngunit hindi siya makapaniwala na gagamitin pa pala nito ang pangalan niya upang makautang sa iba. Kaya naman nag-desisyon si Donnalyn na i-post ito upang balaan ang ibang tao na maaaring maloko rin ng nasabing Youtuber na hindi naman niya pinangalanan.

Read More: Angel Locsin, Ginulat ang mga Fans sa Kanyang Bagong Hair Transformation!

“Utang na 1 Million, gone just like that. This guy is not the only one na nakautang saakin but he is using my name to fool people into lending him money kasi kung pinagkatiwalaan ka nga naman ni Donnalyn diba? I’m posting to say nagkamali ako. Wag kayo paloko.”

Upang maiwasan na ang ganitong mga pangyayari, napagdesisyunan ng kampo ni Donnalyn na umaksyon na. Sa panibagong update, ibinahagi ng vlogger na kasalukuyan silang nakikipag-coordinate sa isang abogado para mabigyan sila ng legal assistance. Papadalhan na rin nila ng demand letter ang mga taong may pinagkakautangan kay Donnalyn.

Dagdag pa ng social media star, nawa’y maging leksyon ito sa ibang taong nangungutang na wag samantalahin ang tiwalang ibinigay sa kanila. Dahil wala silang isang salita, tuluyan na ring nasira ang tiwala ni Donnalyn sa kanila, kaya naman ayaw niyang pamarisan pa ito ng iba.

“Isa isahin ko kayo mga sumira sa tiwala ko. You guys are lucky I don’t want to use privileges like this ‘cause I feel like mas may ibang case na need ng action. Lalo yung mga kawawang inutangan tapos nung na nangangailangan na yung nagpautang ngayon pahirapan contactin yung may utang sakanila,” pahayag ni Donnalyn.

Read Also: Julia Montes, Napagod na sa Pagtatago! Inamin sa Publiko ang Lovelife Niya Ngayon

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment