Matapos ang mapait na hiwalayan nila ni Aljur Abrenica, handa na si Kylie Padilla na muling harapin ang kanyang buhay bilang single mother. Kamakailan lang, ibinahagi ng Kapuso actress na lumipat na siya ng ibang tahanan kasama ang dalawa nilang anak na sina Alas at Axl. Masayang ibinahagi ni Kylie sa social media ang kanilang paglipat.
Sa Instagram, nag-post ang aktres ng 3D interior design ng kanilang two-bedroom home. Ayon kay Kylie, labis ang kanyang excitement sa kanilang bagong bahay, lalo pa’t isa siya sa mga pumili ng interior decorations nito: “It’s coming true! My dream home, my gosh sooo happy.”


Read More: VIDEO: Bagong Silang na Sanggol sa Mindanao, Nakakapagsalita at Nakakatayo nga ba Mag-Isa?
Ngunit bago sila lumipat, sinigurado muna ni Kylie na sanitized ang kanilang bagong space para na rin sa kaligtasan ng kanyang dalawang anak. Maging ang mga furniture garay ng sofa, mattress, at carpet ay sanitized rin sa kanilang paglipat. Pinasalamatan rin ng aktres sanitizing services na tumulong sa kanya.
“Our new place is almost ready for my boys and I to move in and I’m so excited. But of course I have to make sure that our new furniture is clean and sanitized. I hired DJC sanitizing services to do exactly that for me. They cleaned my mattress, our new sofa, and carpets. Thank you to these boys for making sure our furniture is safe and clean.”

Sa kabilang banda, si Aljur naman ay napabalitang bumalik sa kanyang mga magulang sa Batangas. Ayon sa report ng Philippine Entertainment Portal, matagal nang umalis si Kylie sa kanilang bahay sa Scout area. Naibenta na rin daw ito, at pansamantalang nanirahan si Kylie sa kanyang family home sa Fairview matapos silang maghiwalay ni Aljur.
Matatandaang si Robin Padilla ang nagsiwalat ng hiwalayan ng dalawa sa kanyang interview kay Ogie Diaz. Ayon kay Binoe, mayroong babae si Aljur na naging mitsa ng hiwalayan nila ni Kylie. Gayunpaman, ready pa rin ang dalawa na magco-parenting para sa kanilang mga anak.

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment