Isa si Lee Min-Ho sa mga pinakasikat na Korean celebrities sa buong mundo ngayon. Dahil sa kanyang galing sa pag-arte, kinilala si Lee Min-Ho hindi lamang sa Korea, kundi maging sa iba’t-ibang parte ng mundo. Nagsimula ang kanyang pagsikat sa kanyang role sa “Boys Over Flowers,” kung saan mas lalong lumaki ang kanyang fanbase.
Ngunit kung pupunta kayo ng Indonesia ay maaaring makita niyo ang lalaking ito na di umano’y kamukha ni Lee Min Ho! Sa susunod na pupunta kayo sa Samarinda, East Kalimantan, daanan niyo muna ang food stall ng isang vendor na ito na pinagkakaguluhan ngayon sa social media dahil sa kanyang pagkakahawig sa Korean star.
Read More: Actor-Dancer John Prats, Masayang Winelcome ng Showtime Family Bilang Bagong Direktor Nito

Ayon sa mga fans na nakakita sa kanya, hindi maipagkakaila ang pagkakahawig nito kay Lee Min-Ho. Mula sa hairstyle, hanggang sa body build ay mapagkakamalan daw talaga itong ang Korean actor! Ang lalaking ito ay walang iba kundi si Doddy Angga Andrianto.
Si Doddy ay food vendor sa isang food stall sa bangketa. Isang araw ay napansin ng kanyang customer na malaki ang kanyang pagkakahawig kay Lee Min-Ho, kaya naman kinuhanan niya ito ng litrato at ibinahagi sa social media. Dahil dito, agad namang nag-viral si Doddy at mas lalo pang dinayo ang kanyang food stall.


Sa isang interview, ibinahagi naman ni Doddy na hindi niya inaasahan na makikilala siya ng ibang tao. At dahil sa mga fans na nagpupunta sa kanilang tindahan, palagi rin daw nauubos ang kanilang mga paninda. Marami rin ang pumipila upang makapagpa-picture sa kanya dahil kumbinsido sila na lookalike nga niya si Lee Min-Ho.
Ayon sa mga reports, nakapagtapos si Doddy sa Mulawarman University at nagtrabaho siya bilang telecommunication operator. Ngunit di nagtagal ay iniwan niya ito upang samahan ang kanyang ina sa pagtitinda ng mga street foods.
Read Also: “Never say never”- Toni Gonzaga, May Plano nga Bang Sumabak sa Politika?

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment