Ellen Adarna, Isiniwalat ang Aktor na Nakakawala ng Focus ang Kagwapuhan! Sino Kaya Ito?

Isa si Ellen Adarna sa mga pinakasikat na sexy actress ngayon sa industriya ng showbiz. Bukod sa kanyang nakakahalinang ganda, hindi maitatangging talentado rin ang Cebuana beauty pagdating sa pag-arte. Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit tinagurian siyang “pantasya ng bayan” para sa karamihan.

Dahil dito, kahit pa may anak at fiance na si Ellen ay maraming lalaki pa rin ang nahuhumaling dito. Hindi naman lingid sa publiko na outspoken si Ellen pagdating sa kanyang personal na buhay. Sa katunayan, madalas ay nagbabahagi si Ellen ng kanyang opinyon at personal preference sa social media.

Read More: Ethel Booba, Napaiyak na Lang Matapos Mabasag ang Luxury Cup Worth P378,000!

Kamakailan lang, muli na namang pinasabik ni Ellen ang kanyang mga fans sa isang question and answer portion sa Instagram.

Pumili si Ellen ng mga tanong ng mga netizens, at diretsahan niya itong sinagot. Isa sa mga naitanong sa kanya ay kung kaninong showbiz male personality siya nagagwapuhan.

Ayon kay Ellen, marami na siyang nakasalamuha at nakilalang male personalities sa ilang taon niya sa showbiz.

Ngunit hinding-hindi niya raw makakalimutan ang kanyang experience matapos makita si Patrick Garcia. Dagdag pa ni Ellen, talagang nakaka-distract at nakakawala ng focus ang kagwapuhan ng aktor.

Maraming netizens naman ang nag-agree sa choice ni Ellen at naga-gwapuhan din sila sa aktor na ito. Isa si Patrick sa mga pinagkakaguluhang matinee idol noon, at hindi rin maipagkakaila na talagang nakaka-starstruck ito. Sa ngayon ay happily married na si Patrick sa kanyang asawang si Nikka Martinez.

Matatandaang nitong nakaraang buwan lang ng mag-propose na si Derek Ramsay kay Ellen Adarna. At kahit pa January lamang nagsimula ang kanilang relasyon, aminado ang aktor na si Ellen na talaga ang ‘the one’ para sa kanya dahil sa kanilang compatibility.

Read Also: “Mali na nga gagaya ka pa! T*nga ka ba?”-Rendon Labador, May Patama kay Robin Padilla

Ano ang masasabi mo sa kwetong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment