Ang “Wowowin” na marahil ang pinakasikat na gameshow program ngayon sa Pinas. Sa ilang taong pag-ere nito sa Kapuso network, hindi maitatangging tumatak na ang “Wowowin” sa puso ng mga milyon-milyon nitong viewers. Bukod sa pagpapasaya ng mga tao, isa sa layunin ng host na si Willie Revillame ay makatulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng kanyang programa.
Kaya naman kung magtatapos ang game show na ito, paniguradong maraming viewers rin ang malulungkot at mamimiss ang “Wowowin.”
Kamakailan lang, naging usap-usapan sa social media ang makahulugang pahayag na ito ni Willie. Noong July 8, ibinahagi ng beteranong host na may kinakaharap siyang mabigat na desisyon para sa kanyang show.

Read More: Dating Child Star na si Serena Dalrymple, Engaged na sa Kanyang Long-Time Boyfriend!
“Sa tamang panahon sasabihin ko ho yung magiging desisyon ko at sasabihin ko ho dito sa programang ito. Mawala man ako, gusto ko meron pa rin isang host na makakausap niyo. Kung sakali hong iyon ang magiging desisyon ko sa buhay ko, e, mabigat. Pagdadasal ko ‘tong mabuti. Pag-iisipan ko ‘tong mabuti,” pahayag ni Willie.
Sa kanyang pahayag ay parang ipinapahiwatig ni Willie na maaari na siyang mamaalam mula sa “Wowowin.”
Kung sakaling dumating man ang araw na ito, siya daw mismo ang magbabahagi ng balita sa kanyang mga nag-aabang na viewers. Ngunit sa kabila nito, umaasa si Kuya Wil na kahit pa wala na siya ay magpapatuloy pa rin ang pag-ere ng programa.

“Pero sana ho, nakikiusap ako, tuluy-tuloy pa rin ang programang ito, dahil ang ganitong programa hindi dapat nawawala. Itong programang ‘to, dapat ho laging nandiyan, mawala man ako sa mundo. E, siyempre, dumarating yung time, dumarating sa buhay mo, na dapat kang magdesisyon, sa tamang panahon,” dagdag pa ng host.
Dahil dito, hindi mapigilang mapaisip ng mga fans kung ano nga malaking desisyon na kinakaharap ni Kuya Wil. Magreretiro na nga ba ito mula sa showbiz? May iba ring napaisip kung sasabak ba si Kuya Wil sa politika, bagay na idineny niya sa kanyang nakaraang interview noong February.


Read Also: Kylie Padilla, Tuluyan Nang Iniwan si Aljur at Lumipat sa Ibang Bahay Kasama ang mga Anak
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment