Kylie Padilla, Inakusahang High Maintenance at May Affair Raw Kay JM de Guzman?

Nitong mga nagdaang linggo, nagulat ang mga netizens nang ianunsyo ni Robin Padilla na hiwalay na ang kanyang anak na si Kylie sa asawa nitong si Aljur Abrenica. Pambababae di umano ni Aljur ang puno’t dulo ng hiwalayan ng dalawa. Dahil dito, marami ang nacurious kung sino nga ba ang third party sa pagsasama nila.

May mga pangalang na-link sa actor, gaya na lamang ng leading lady nito sa kanyang bagong pelikula na si Cindy Miranda, bagay na itinanggi naman ng aktres. Nadawit rin sa issue si Maika Rivera, ang miyembro ng GirlTrends na naka-trabaho ni Aljur, ngunit pinabulaanan niya rin ito.

Read Also: “Nasaktan, Gumanda, Nag-Artista!”- Ex-Fiance ni Scottie Thompson na si Pau Fajardo, Sasabak na sa Showbiz

Kamakailan lang, maging si Kylie mismo ay hindi nakaligtas sa mga malisyosong isip ng mga bashers. Isang dummy account sa Instagram ang nag-iwan ng mensahe kay Kylie.

Ayon dito, maluho at high maintenance daw si Kylie at di umano’y mayroon itong third party kaya naman naghiwalay sila ni Aljur.

“Totoo po ba na kaya mo iniwan si Aljur dahil high maintenance ka po at di afford ni Aljur luho mo? Tapos po maraming mayayaman ang nanliligaw sayo pati mga artista at isa dun si JM de Guzman. Yun po kasi ang sabi ni Xian Gaza eh, salamat po.”

Upang hindi na lumala ang isyu, agad naman itong sinagot ni Kylie. Ayon sa aktres, walang katotohanan ang mga ibinabatong alegasyon sa kanya. Ibinunyag niya rin na magkaibigan lamang sila ni JM de Guzman, kaya naman hindi ito dapat bigyang malisya ng publiko: “Magkaibigan lang kami ni JM. This is not true.”

Sa kabilang banda, matatandaang lumipat na sa kanilang bagong tahanan si Kylie kasama ang dalawa niyang anak na si Alas Joaquin at Axl. Kahit pa hiwalay na sila ni Aljur, sinusubukan nilang magco-parenting para sa kapakanan ng kanilang mga anak.

Read More: “Totoo naman, mataba naman talaga ako”- Angel Locsin, May Prangkang Mensahe sa mga Bodyshamers Niya

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment