"Totoo naman, mataba naman talaga ako"- Angel Locsin, May Prangkang Mensahe sa mga Bodyshamers Niya

Sa panahon ngayon, talamak na ang mga bashers sa social media. Kaya naman may kanya-kanyang paraan ang mga celebrities at public personalities sa pakikitungo o pagha-handle sa kanilang mga haters. Kung ang iba ay pinapatulan, mayroon rin namang mas pinipili na manahimik na lamang. Kabilang na sa kanila si Angel Locsin.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang biglaang pagbabago sa katawan ng Kapamilya aktres. Dahil sa kanyang spine injury at medications, nadagdagan ang timbang ni Angel.

Sinamantala naman ng mga bashers ang pangyayaring ito upang i-let down si Angel sa social media, ngunit ayon sa aktres ay hindi niya hinahayaang maapektuhan siya nito.

Read More: Dating Sexy Star, Halos Di na Makilala at Nagpapalaboy-Laboy na Lang Ngayon sa Lansangan

Ayon kay Angel, aminado siya na dumaan sa malaking pagbabago ang kanyang katawan. Sa kabila nito, hindi nabawasan ang kanyang pagmamahal at respeto sa sarili. Kaya naman dinededma niya na lang ang mga bashers sa social media na walang nasasabing matino.

“Hindi ako nagsalita kasi parang, anong sasabihin ko? ‘Yun ang opinyon nila sa sarili ko eh. Totoo naman, mataba naman talaga ako. Pero hindi masusukat noon kung sino ako. Mabuti nang chubby kaysa ugly. Buti na lang mahal ko ang sarili ko at nirerespeto ko ang sarili ko, dahil ang katawan na ito ay maraming pinagdaanan.”

Dagdag pa nito, kahit pa nagbago na ang kanyang katawan ay malaki pa rin ang pasasalamat niya dahil marami pa siyang maa-achieve. Kaya naman imbes na patulan ang mga bashers ay mas pinipili na lang ng beteranang aktres na mag-focus sa kanyang mga blessings sa buhay.

“Maraming na-achieve din naman at marami pa akong maa-achieve. Kung wala ang katawang ito, wala si Angel Locsin. Wala ako dito. Wala akong kabuhayan. So, I am just really grateful,” pahayag pa ni Angel, mula sa Facebook page na Kapamilya Online World.

Read Also: Ellen Adarna, Isiniwalat ang Aktor na Nakakawala ng Focus ang Kagwapuhan! Sino Kaya Ito?

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment