Julia Montes, Napagod na sa Pagtatago! Inamin sa Publiko ang Lovelife Niya Ngayon

Isa si Julia Montes sa mga pinakahinahangaang artista ngayon. Kahit pa nag lie low ang Star Magic actress sa mga projects, hindi naman maitatangging blessed si Julia sa kanyang personal life. Matagal na rin siyang nali-link sa actor na si Coco Martin, at noong 2018 ay umugong ang bali-balitang may anak na ang dalawa.

Ngunit sa kabila ng mga kontrobersyang ito, mas pinili ni Julia at Coco na manahimik tungkol sa totoong estado nila. Kamakailan lang, ibinunyag na ni Julia na mayroong lalaking nagpapatibok sa puso niya ngayon. Sa kanyang interview kay G3 San Diego ay nagsalita si Julia tungkol sa kanyang lovelife.

Read More: Donya Noon, OFW Ngayon: Babaeng Marangya ang Pamumuhay Dati, Nauwi sa Pagiging Kasambahay Abroad

“Actually, hindi ko kasi siya sasabihing secret. We just chose this path kasi we both believe na, ‘Ang atin, atin. Pumasok tayo sa trabahong ‘to na magulo. Wag na nating paguluhin pati ‘yung atin. Siguro kasi sa buong buhay ko, hindi ako selfish. This time, gusto ko ‘yung akin, akin,” pahayag ni Julia.

Kahit hindi man nilinaw ng aktres na si Coco ang kanyang karelasyon, ‘obvious’ na daw ito ayon sa ibang mga fans. Kamakailan lang, namataang magkasama ang dalawa na nagbakasyon sa Boracay. May mga paparazzi photos rin na kumalat kung saan sabay nagja-jogging ang dalawa sa loob ng isang subdivision.

Ayon kay Julia, pareho nilang pinili na maging pribado pagdating sa kanilang love life. Sa ganitong paraan, maiiwasan rin nilang masira ang kanilang pagsasama kapag marami na ang nakikisawsaw.

“It’s just a personal choice. Personal choice namin ‘yun. And for us kasi talaga, naniniwala kami ‘pag ano kasing nandiyan, sisirain. ‘Pag hindi kayo, ‘pag magka-love team kayo, gustong maging kayo. ‘Pag kayo, pagsisirain kayo. So, might as well, ‘O, anong alam niyo?’ Okay, kung anong alam niyo, okay po.”

Read Also: “Sobra ka talaga”- Melai, Napaiyak Matapos Ibinuking ang Totoong Ugali ni Erich sa Likod ng Camera!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment