Naniniwala ba kayong pagdating sa pag-ibig, age is just a number? Para sa karamihan, hindi hadlang ang malaking age gap sa pagmamahalan. Kabilang na sa kanila ang mga Pinoy celebrities na ito, na pinatunayang kahit pa malaki ang agwat ng inyong edad, hindi ito hadlang sa isang relasyon!
Silipin natin ang mga celebrity couples at love teams na pinag-usapan dahil sa kanilang May-December relationship. Talagang sila ang nagpapatunay na pagdating sa sa pag-iibigan, age doesn’t matter.

1. Rica Blanco and Maris Racal
Si Maris ay 23, habang si Rico naman ay 48. Bago pa man maging official ang kanilang relasyon, aminado si Maris na big fan siya ng OPM singer. Kaya naman matapos nilang mag-collab, tuluyan nang napalapit ang puso nila sa isa’t-isa. June 2021 nang aminin ni Maris na may relasyon sila.

2. Catriona Gray and Sam Milby
Sampung taon rin ang age gap ni Cat na 27 years old, at Sam na 37 years old. Gayunpaman, hindi nito napigilan na mapalapit at ma-inlove sila sa isa’t-isa. Aminado ang Miss Universe 2018 na masaya siya sa aktor, kaya naman maraming fans ang kinikilig sa pagsasama nila.

3. Gerald Anderson and Julia Barretto
Si Julia ay 24, samantalang 32 anyos naman si Gerald. Kahit pa puno ng kontrobersya ang relasyon ng dalawa, hindi naman ito naging hadlang para ipagpatuloy nila ang kanilang pagmamahalan. Ayon pa kay Julia, compatible sila ni Gerald, na naging leading man niya noong 2019.

4. Sarah Lahbati and Richard Gutierrez
Ilang taon na ring matatag ang pagsasama ni Sarah at Richard. Si Sarah ay 27 lamang, samantalang 37 naman si Richard. Nabiyayaan rin ng dalawang anak ang celebrity couple na ito, at nitong 2020 lang ay tuluyan na silang nagpakasal.

5. Bea Alonzo and Dominic Roque
Si Dominic ang kasalukuyang nali-link sa Kapamilya actress matapos ang break-up nito kay Gerald Anderson. Sa kabila ng kanilang 3-year age gap, makikita na mayroong special sparks sa pagitan ng dalawang ito.
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment