Ogie Diaz, May Prangkang Advice kay Dani Barretto Tungkol kay Kier: "Mag-Ama pa rin Kayo"

Kamakailan lang, naging usap-usapan ng mga netizens ang nagdaang interview ni Ogie Diaz kay Dani Barretto. Si Danie ang panganay na anak ng dating aktres na si Marjorie Barretto kay Kier Legaspi. Sa kanyang interview, nagbalik-tanaw si Dani sa kanyang pagkabata, kung saan hindi niya masyadong nakasama ang kanyang amang si Kier.

Matapos lumabas ang interview sa Youtube channel ni Ogie Diaz, nagpost naman ng cryptic na mensahe si Kier sa Instagram, kung saan ipinahiwatig niya na nais niya ring iparating ang kanyang kwento. Sa isang update, ibinahagi naman ni Ogie na nakipag-reach out na rin siya kay Kier upang makausap ito.

Read More: RR Enriquez, Nagbabala sa mga Netizens Matapos Mawalan ng Malaking Halaga ng Pera

Hindi man niya ibinahagi ang kanilang buong pag-uusap, nag-iwan naman si Ogie ng advice para kay Dani. Ayon dito, mukhang gumagawa naman si Kier ng paraan para makausap ang kanyang anak.

Hiling rin ni Ogie na sana’y magka-ayos na ang dalawa dahil kahit anong mangyari, mag-ama pa rin sila.

“Siguro kay Dani ‘no, dapat mag-usap sila ng tatay niya. Kasi ang alam ko, eh nag e-effort naman talaga si Kier na makausap yung kaniyang anak. Hindi ko lang alam kung ano ang pumipigil, bakit siya naaawat na makipag-usap sa kaniyang anak. Imagine pitong taon. At the end of the day mag-ama kayo,” pahayag ni Ogie.

Ayon naman kay Dani, open siyang makipag-usap at makipag-ayos sa kanyang ama. Nag-apologize rin siya matapos sabihing hindi niya nakasama sa kahit isang birthday celebration si Kier.

Hindi nagtagal ay lumabas ang mga birthday photos ni Dani noong 2nd birthday niya, kung saan makikita si Kier.

“My dad has my number. My phone is always open, and he is also welcome to come to our house anytime to talk about these things, so he can also finally meet his granddaughter,” dagdag pa ni Dani.

Read Also: “Back to Zero”- Herlene Budol, May Masakit na Na-Realize sa Pagsabak Niya sa Showbiz

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment