Sila na nga ba? Bea Alonzo at Dominic Roque, Huli sa Kamera na Magka-Holding Hands!

Hanggang ngayon, nananatiling palaisipan pa rin sa mga fans ang totoong namamagitan kay Bea Alonzo at Dominic Roque. May namumuo nga bang romance sa pagitan ng dalawa? Iyan ang tanong na bumabagabag sa mga fans matapos kumalat ang mga larawan ni Bea at Dominic sa social media, kung saan makikitang lagi silang magkasamang dalawa.

Kamakailan lang, muli na namang umugong ang usap-usapan matapos makitang magksama ang dalawa sa isang romantic dinner.

Ayon sa nag-post, birthday celebration ito ni Dominic. Parehas na nakasuot ng black ang rumored couple, at sa isang larawan ay makikitang magka-holding hands pa ang sila!

Read Also: Confirmed! Matapos Mag-Deny, Nabuking Rin ang Tinatagong Relasyon ni Heaven Peralejo at Kiko Estrada

Dahil dito, kumbinsido na ang mga fans na mayroon ngang namumuong pag-iibigan ang dalawa. Bago pa man ito, nagkasama rin si Bea at Dominic sa isang romantic getaway sa Amanpulo. Nitong nakaraang linggo lang ay namataan rin silang magkasama sa isang airport sa Los Angeles.

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang masaya para sa aktres. Ayon pa sa kanila, talagang blooming si Bea ngayon dahil kasama na niya ang ‘Mr. Right’ para sa kanya. Matatandaang 2019 lamang nang maghiwalay si Bea at Gerald dahil diumano’y ghinost siya ng aktor para kay Julia Barretto.

Sa ngayon ay hindi pa kinukumpirma ni Bea at Dominic ang kanilang relasyon. Gayunpaman, marami na ang natutuwa sa kanilang tambalan. Silipin ang komento ng mga netizens dito:

“They are lucky to have each other and I could just imagine the cutest babies they will have. Sana sila na magkatuluyan talaga.”

“They looks so good together, mas bagay sila kesa kay budoy.”

“Ang blooming ni Bea in fairness. Iba talaga pag napunta ka sa tamang tao.”

“Bagay na bagay sila. Nakakakilig makita na ang happy ni Bea ngayon, deserve mo yan gurl.”

Read More: AJ Raval, Nakatikim ng Sermon sa Amang si Jeric Dahil sa Malaswang Suot sa Carwash Video!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment