Kampo ni Katrina Halili, Nilinaw na ang Totoong Namamagitan sa Kanila ni John Lloyd Matapos Kumalat ang Larawan Nila Online

Kamakailan lang, nagulantang ang mga netizens sa pagkalat ng larawan ni Katrina Halili at John Lloyd Cruz. Ilang beses na namataan ang dalawa na magkasama sa mga out-of-town trips. Sa katunayan, nitong nakaraan lang ay kumalat ang mga larawan ni Katrina at John Lloyd sa Batangas rest house ng aktor.

Dahil dito, maraming netizens ang naintriga kung ano nga ba talaga ang tunay na namamagitan sa dalawa.

Mayroon nga bang romantic relationship si John Lloyd Cruz at Katrina Halili? Ngunit bago pa lumala ang usap-usapan na ito, agad naman itong tinuldukan ng kampo ng actress.

Read More: John Lloyd Cruz at Katrina Halili, Huling Nagba-Bonding sa Rest House ng Aktor sa Batangas

Sa isang interview sa Philippine Entertainment Portal, lumantad ang boyfried ni Katrina at pinabulaanan ang mga umuugong na usapan tungkol sa dalawa. Ayon sa non-showbiz boyfriend ng aktres, mas nais nitong umiwas sa publiko kaya naman hindi lantad ang kanilang relasyon.

Gayunpaman, mag-iisang taon na rin silang mag-nobyo. Dagdag pa ng kampo ng aktres, sana’y wag bigyang malisya ng mga netizens ang pagsasama ng dalawa.

Mas lalo raw naging malapit sa isa’t-isa si John Lloyd at Katrina matapos tulungan ng aktres si Lloydie na bumili ng lupa sa Palawan. Natipuhan raw ni John Lloyd na bumili ng property dito matapos mag-shooting sa El Nido.

Natulungan naman siya ni Katrina nang i-offer nito ang kanyang dalawang lote sa Palawan. Balak di umano ni John Lloyd na magpatayo ng isang rest house dito. At dahil pribado si John Lloyd pagdating sa kanyang personal na buhay, hindi niya rin ipina-flaunt sa social media ang kanyang mga investments.

“Dalawang malaking cut ng lote ang nabili ni John Lloyd kay Katrina, hindi ko alam kung ilang square meters pero sa tantiya ko, abot siguro ‘yun ng P20 million. Nagpatayo ng glass house sa itaas ng bundok sa El Nido si John Lloyd, malaki ang property niya ro’n. Patapos na ‘yung main house,” pahayag pa ng source.

Read More: Jean Garcia, Hindi na Nakatiis! Kinompronta si Alwyn at Sinabing Bastos Ito sa Social Media

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment