Sa kauna-unahang pagkakataon, mapapanood na natin ang tambalan ni Cristine Reyes at Diego Loyzaga. Maraming fans ang talagang excited dahil si Cristine at Diego ang magbibigay buhay sa Pinoy adaptation ng Korean series na “Encounter.” Ang May-December romance na ito ay nauna ng pinagbidahan ni Song Hye-Ko at Park Bo-Gum.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkaka-trabaho ang dalawa para sa big screen. Kahit pa ang original version nito ay Korean, nais pa rin ng mga direktor na ipakita rin ang kultura nating mga Pinoy. Kaya naman excited na si Cristine at Diego na gampanan ang kanilang mga roles.


Read More: Sila na nga ba? Bea Alonzo at Dominic Roque, Huli sa Kamera na Magka-Holding Hands!
Sa “Encounter,” isa sa mga driving forces ng kwento ay ang malaking age gap ng mga bida. Sa kabila nito, na-in love pa rin sila sa isa’t-isa. Kaya naman sa kanilang press conference sa Pasig, tinanong ng press si Diego kung may chance nga ba itong ma-in love sa babaeng mas matanda sa kanya.
“I don’t think there will be a problem if the two of you get along well. If your level of maturity and understanding is the same, it won’t matter if you have an age difference,” sagot ni Diego. Si Diego ay 26-anyos, samantalang 32-anyos naman ang award-winning star na si Cristine.

Dagdag pa ni Diego, noong una ay labis ang kaba niyang makatrabaho si Cristine, lalo pa’t batikang aktres na ito. Kaya naman labis rin daw ang kanyang effort sa set upang matapatan ang acting skills ni Cristine.
“I was afraid to make mistakes. I was telling myself I can’t afford to make a mistake if I am in a scene with her because she might get mad at me. Or I might cause delay in the shoot. All these thoughts crossed my mind because she is Cristine Reyes, a well-known actress while I am still working my way up there.”
Read Also: Confirmed! Matapos Mag-Deny, Nabuking Rin ang Tinatagong Relasyon ni Heaven Peralejo at Kiko Estrada

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment