Sasabak na nga ba sa showbiz si Pau Fajardo? Iyan ang tanong ng mga fans sa social media. Matapos ang kanyang heartbreak mula sa Ginebra San Miguel Point Guard na si Scottie Thompson, mukhang unti-unti ng nakakamove-on si Pau sa kanyang buhay. Kamakailan lang, sinindak niya ang mga fans matapos kumalat ang larawan na ito!
Noong July 14, naging usap-usapan sa social media si Pau matapos kumalat ang photo niyang ito. Sa nasabing larawan, makikitang kasama ni Pau ang talent manager at PR specialist na si Alvin Torno. Kasama rin nilang nag-pose ang Viva Entertainment founder na si Vic del Rosario.
Read Also: Ellen Adarna, Isiniwalat ang Aktor na Nakakawala ng Focus ang Kagwapuhan! Sino Kaya Ito?

Kilala ang Viva Entertainment sa paggu-groom ng mga big celebrities, gaya na lamang ni Anne Curtis, Vice Ganda, Sarah Geronimo, at marami pang iba.
Kaya naman nang maispatan si Pau na kasama si Bossing Vic ay napaisip ang mga fans niya. Senyales na kaya ito na sasabak na sa showbiz ang dalaga?
Matatandaang nitong April lamang nang mag-propose si Scottie Thompson sa kanyang girlfriend of eight years. Ngunit nang maghiwalay sila, ilang linggo lamang ang nakalipas ay agad namang pinakasalan ng NBA star ang flight attendant na si Jinky Serrano. Agad namang nag-viral sa social media ang pangyayaring ito.

Sa isang statement, humingi naman ng respeto at pang-unawa si Pau mula sa mga netizens. Sa Instagram, ibinahagi nito na labis siyang nasaktan sa biglaang paghihiwalay nila ng kanyang long-term boyfriend. Gayunpaman, sisimulan na niyang mag-move on at mag-look forward sa future.
“I am deeply hurt. I ended a long-term relationship with the man I was ready to spend the rest of my life with. To say it has been heartbreaking is an understatement. But I am now making the conscious decision to move forward with my life. Please refrain from doing things that would further inflame the situation.”
Read More: Dating Sexy Star, Halos Di na Makilala at Nagpapalaboy-Laboy na Lang Ngayon sa Lansangan

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment