Usong-uso ngayon ang live selling sa social media. Maraming online sellers ang naeengganyo na mag live selling ng iba’t-ibang produkto, katulad na lamang ng ukay ukay. Isang online seller naman ang umasenso matapos niyang sipagan ang pag-oonline selling niya! Kaya naman maraming netizens ang humanga sa nakaka-inspire na kwentong ito.
Ibinahagi ni Rachel Lucanas kung paano niya napalago ang kanyang munting online business. Nagsimula siyang magtinda ng ukay-ukay ngayong taon lamang.
Noong una ay isang bulto lamang ang itininda niya, hanggang sa marami siyang naging customer kaya naman nakabili pa siya ng maraming ukay-ukay para maibenta.

Ayon kay Rachel, hindi rin naging madali ang simula ng kanyang negosyo. Sa umpisa, kinailangan niya ring alamin kung anong klaseng business ang pinasok niya.
Kaya naman pinag-aralan niya ang mga produkto ng kanyang ukay-ukay, kasama na ang brand code nito. Dahil dito, mas natutunan niyang mahalin ang kanyang business.
Maswerte rin si Rachel dahil supportive ang kanyang pamilya pagdating sa raket niya na ito. Kinalaunan, nang dumami na ang kanyang mga ukay, kinailangan na rin ni Rachel ng mas malaking space para sa kanyang mga paninda.

Kaya naman gamit ang kanyang mga tubo, nakapagpagawa siya ng mini bodega para sa kanyang mga ukay.
“Pag nangarap ka, sabayan mo ng pagsisikap, tyaga at diskarte samahan mo pa ng dasal para matupad mo. Madali lang mangarap pero hindi ganun kadali ang tuparin ito. Wag basta susuko, dadaan ka talaga sa hirap lalo na pag nagsisimula ka pa lang. Labaaan lang!”
Maraming netizens naman ang humanga sa kasipagan ni Rachel! Sa panahon ngayon, kung walang tyaga, walang nilaga. Nagsilbi rin itong inspirasyon sa maraming online sellers na nais umasenso sa pamamagitan ng pagtitinda nila.


Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag-atubiling mag-follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment