Extra sa Music Video ng Joshlia, May Ibinuking na Nangyari sa Pagitan ni Joshua at Julia Habang Nagte-Taping!

Nitong February 14 ay nagulantang sa social media sa isang music video na inilabas na pinagbibidahan ni Joshua Garcia at Julia Barretto. Maraming netizens ang naantig sa nakakaiyak na music video na ito ng kanta ni Moira na “Paubaya.” Isa si Donald Lapez sa mga casts ng music video na gumanap bilang pari. May ibinunyag naman siya tungkol sa taping ng music video at kung ano ang nangyari sa pagitan ni Joshua at Julia.

“Bilang gumanap na pari sa music video na ito, kahit ako naiyak. I didn’t know na ganun na pala nangyayari sa loob kasi after ng take ko bilang pari sa music video biglang pinalabas kami lahat. At sila Moira, Julia, Josh, at direktor at camera man lang ang nasa loob,” ayon kay Lapez.

Read also: Dimples Romana, Maagang Sumabak sa Pag-Aartista Upang Maging Breadwinner ng Pamilya

Ginawa raw ito ni Moira upang masiguradong walang ibang makaka-distract sa emotional scene ni Julia at Joshua. At sa ganitong paraan, mararamdaman din ng dalawa na personal lamang silang nag-uusap, at hindi ito isang taping. Mukhang gumana naman ang tactic na ito!

Matapos palabasin ang ibang staff ay saka na nagtaping para sa emosyonal na confrontation scene si Julia at Joshua. Ayon kay Lapez, wala ni isa sa mga staff ang may alam kung anong nangyayari sa loob.

Ang tanging nakasaksi daw ng mga pangyayari sa pagitan ni Joshua at Julia ay ang direktor, cameraman, at si Moira.

“Para magka moment yung dalawa at magkaroon ng closure as in no script, or kung ano pa man. Just pure words of forgiveness and love. As in nakakaiyak sobra ng mapanood ko ito. Salamat sa lahat at naging bahagi ako ng music video na ito.”

Maraming fans naman ang talagang naintriga matapos marinig ang rebelasyon na ito. Ayon sa iba, mukhang totoong emosyon ang ipinakita ni Joshua at Julia sa pag-uusap nila. Sila rin ang nagsulat ng kanya-kanyang dialogue, upang mas maging sincere ang kanilang confrontation.

Read also: Super Tekla, Nakaipon Matapos Iwanan si Michelle, Nakapagpatayo na rin ng Sariling Bahay!

Ano ang masasabi niyo sa latest music video na ito ni Moira? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment