Bea Alonzo at Dominic Roque, Tinago nga ba sa mga Fans ang Secret Vacation Nila sa Amanpulo?

May namumuo nga bang pag-iibigan sila Bea Alonzo at Dominic Roque? Ito ang tanong ng mga fans matapos maispatang muling magkasama ang dalawa sa publiko. Nitong mga nakaraang buwan, napapansin ng mga mapagmasid na fans na laging magkasama ang dalawa sa iba’t-ibang lugar. Kaya naman hindi mapigilang mapatanong ng mga fans kung sila na nga ba.

Kamakailan lang ay muli na namang gumawa ng ingay ang dalawa sa social media. Sa kabila ng kani-kanilang busy na schedule, sinisiguro pa rin ni Bea at Dominic na magkaroon ng espesyal na bonding time. Nitong nakaraan, mukhang nagkaroon ng secret vacation ang dalawa!

Read also: Jose Manalo, May Importanteng Mensahe sa Anak na si Benj Manalo Matapos Magpakasal kay Lovely Abella

Maraming fans ang na-intriga matapos makitang magkasama si Bea at Dominic sa Amanpulo beach. Kahit pa hindi lantarang nag-post ang dalawa tungkol sa kanilang bakasyon, napansin ng mga fans na mukhang may pagkakaparehas ang vacation pics ng dalawa.

Sa Instagram, mapapansing magkapareho ang mga kuha ni Bea at Dominic sa beach. Kapansin-pansin rin na walang picture kung saan magkasama ang dalawa. Gayunpaman, kutob ng mga fans ay magkasamang nagbakasyon ang dalawa sa Amanpulo.

Sa kanyang nakaraang vlog, ginawa naman ni Bea ang totropahin o jojowain challenge. Pagdating kay Dominic, mas pinili ni Bea na maging boyfriend ito kaysa maging kaibigan. Dahil dito, maraming fans ang kinilig at nag-udyok kay Bea na aminin na kung ano ang tunay na namamagitan sa kanila.

Matatandaang nitong 2019 lamang nang maghiwalay na si Bea at ang kanyang ex-boyfriend na si Gerald Anderson. Matapos iyon, inamin ni Bea na mayroong third party sa relasyon nila na siya na ring nagdulot ng hiwalayan nila matapos ang tatlong taong relasyon.

Read also: Mga Fans, Nalungkot sa Biglaang Hiwalayan ng PBB Love Team ni Andre Brouillette at Lou Yanong

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag-atubiling mag-follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment