Si Mariel Rodriguez nga ba ang Host na Nagpahiya kay Ivana? Ogie Diaz, Nagsalita na!

Usap-usapan ngayon sa social media ang latest blind item ni Ivana sa kanyang vlog. Ayon sa 23-anyos na aktres at Youtube star, naranasan na rin daw niyang mapahiya sa harap ng ibang tao. Ibinahagi ni Ivana ang kanyang nakakalungkot na encounter sa isang sikat na host sa isang show. Sa harapan ng ibang artista, naranasan daw ni Ivana na masigaw-sigawan ng nasabing host na ito.

“Lagi ko siyang pinapanood noong bata ako, kaya idol na idol ko siya. Nung nakita ko, parang napangiti ako. Tapos parang pinagsisigawan niya ako dun sa dressing room sa harap ng ibang artista. Tapos parang sabi ko, ‘Hala.’ As in sorry ako ng sorry. Sobrang naano ako kasi parang sa harap ng ibang artista. Sobrang pinapahiya ako, as in.”

Read also: Fans, Napansin ang Kakaibang Binulong ni Julia kay Joshua sa Taping ng “Paubaya!”

Sa kabila ng rebelasyong ito, hindi naman pinangalanan ni Ivana ang nasabing host. Binanggit niya lang sa kanyang vlog na isang batikan na ito sa industriya, at kahit bata daw siya ay idol na niya ito.

Ibinuking rin ni Ivana na sa letrang ‘M’ daw nagsisimula ang pangalan ng naturang host. May ispekulasyon naman ang mga netizens kung sinong host ang tinutukoy ni Ivana.

Ayon sa ibang netizens, maaaring si Mariel Rodriguez ang host na tinutukoy ng Youtube star. Nagkaroon rin daw ng insidente si Mariel dati sa dressing room, bagay na pinag-usapan pa nila ni Vice Ganda sa “It’s Showtime.”

Sa ngayon naman ay hindi pa nagko-komento si Ivana o si Mariel tungkol sa mga haka-hakang ito. Ngunit kung si Ogie Diaz daw ang tatanungin, iisa lang ang dapat gawin ni Mariel.

Ayon sa batikang star manager na si Ogie Diaz, hindi kailangang mag-react ni Mariel sa blind item na ito. Ani Ogie, hindi naman malinaw na si Mariel talaga ang tinutukoy ni Ivana. Kaya kung siya daw ang magpapayo sa host, mas minabuti ni Ogie na manahimik na lang si Mariel at wag mag-react upang hindi na lumala pa ang issue.

“Sasabihin ko: ‘Mariel, makinig ka sa akin. Wag ka magsalita kasi letra ‘yung sinabi ni Ivana. Ang pangalan mo Mariel, hindi ka si M.’ Di natin alam kasi unang-una. Sino tayo para mag-claim na si Mariel ;yun, eh yun ngang nagsabi ng letra, letra lang sinabi niya. Paano tayo magko-conclude na si Mariel,” pahayag ni Ogie sa kanyang latest vlog.

Read also: Mariel Padilla, Balik Alindog na! Ipinamalas ang Kanyang Sexy Figure Matapos ang Weight Loss Program

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment