Ivana Alawi, Ibinuking Kung Sino ang Hunk Actor na Ito na Matagal na Niyang Hinahangaan!

Isa si Ivana Alawi sa mga hinahangaang celebrity ngayon sa social media. Dahil sa kanyang angking ganda at kaseksihan, hindi na nakakapagtaka kung bakit itinuturing si Ivana bilang bagong “pantasya ng bayan.” Dahil dito, maraming tagahanga si Ivana mapa-social media man o real life. Maraming lalaki rin ang nagtatangkang ligawan ang dalaga!

Sa kanyang vlog noong February 10, inamin ni Ivana na may mangilan-ngilan na ring nagtangkang manligaw sa kanya. Gayunpaman, mas pinili pa rin niyang mag-focus sa kanyang career at family life.

Nang tanungin naman siya tungkol sa kanyang local celebrity crush, isa lamang ang pinangalanan ni Ivana!

Read also: Identical Twins? Andi Eigenmann, Pinatunayan na Mini-Me Niya ang Panganay na si Ellie sa Throwback Picture na Ito

Ayon sa Youtube star, bago pa man siya maging sikat ay mayroon na siyang pinakanatatanging celebrity crush. Ito ay walang iba kundi ang Kapamilya star na si Paulo Avelino.

Dati pa man daw ay nagagwapuhan na siya sa aktor, ayon kay Ivana. Ngunit mas lalo daw lumalim ang crush niya dito nang makasama niya ito.

Minsan na raw niyang nakasama sa meeting si Paulo Avelino. Dito raw ay mas nakilala ni Ivana ang aktor, at nalaman niya na bukod sa angking kagwapuhan nito, matalino rin si Paulo. Dahil dito, mas lalo raw hinangaan ni Ivana ang kanyang celebrity idol.

“Paulo Avelino. Crush lang, alam ko naman na may jowa siya, pero crush. Hindi kasi, nagka-meeting kami dati tapos nakita ko matalino siya nang kausap ko. For the first time ko siya nakameeting. Para siyang, basta ang talino kausap tsaka mature.”

Ang kapatid naman ni Ivana na si Hash ay nag-open up din tungkol sa celebrity crush nito. Ayon kay Hash, dati pa man ay talagang crush na crush na niya si Donnalyn Bartolome.

Isang beses lang daw niya itong nakita sa online, at simula noon ay sinubaybayan na ni Hash si Donna sa social media dahil nagandahan siya dito.

Read also: Larawan ni Angel Locsin na Nagte-Taping sa Publiko, Umani ng Iba’t-Ibang Reaksyon sa Social Media

Panoorin ang buong vlog niya dito:

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment