"Nag-sorry ka because?"- Kim Chiu, Prinangka si Joshua Kung Bakit nga ba Nag-Sorry kay Julia

Dalawang linggo na ang nakalilipas nang i-release ang bagong music video ng “Paubaya” ni Moira dela Torre noong Valentine’s day. Ngunit hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang napakagaling na pag-arte ng dalawang main casts na sina Julia Barretto at Joshua Garcia. Ito rin ang kanilang kauna-unahang on-screen project matapos ang kanilang hiwalayan noong 2019.

Sa music video, na-viral ang scene na emosyonal na paghaharap ng dalawa. Maraming netizens ang napaiyak matapos marinig ang mga salita na matagal nang kinimkim ni Julia at Joshua.

Ayon pa sa singer na si Moira, silang dalawa mismo ang nagsulat ng kanilang mga script upang mas maging personal ito.

Read also: Kaysa Kumuha ng Kasambahay, Andi at Philmar, Ginawang Bonding Moment ang Paglilinis ng Bahay ng Magkasama!

“Sorry kung wala ako nung mga panahong kailangan mo ako. Sorry kung wala ako nung kailangan mo ng makakapitan. Sorry kung hindi kita naprotektahan,” ito ang naiiyak napahayag ni Joshua kay Julia sa kanilang paghaharap. Agad namang nag-viral ang scene na ito sa social media.

Kamakailan lang, nang mag-guest si Joshua sa “ASAP Natin ‘To,” nakatanggap siya ng isang nakaka-intrigang tanong mula kay Kim Chiu!

Si Kim ay dati ring ex-girlfriend ni Gerald Anderson, na napapabalitang boyfriend na ni Julia ngayon. Diretsahang tinanong ni Kim kung bakit nga ba napa-sorry si Joshua.

Hindi naman agad nakasagot si Joshua sa tanong na ito. Gayunpaman, ayon sa mga fans, malinaw kung bakit humingi ng tawad si Joshua sa kanyang ex-girlfriend. Ayon sa iba, maaaring na-guilty si Joshua dahil wala siya sa tabi ni Julia nang ma-bash ito matapos malink kay Gerald. Silipin ang kani-kanilang mga haka-haka dito:

“Ganun talaga pag totoong nagmamahal, kapag iniwan ka feeling mo may pagkukulang ka kaya ka iniwan. Kaya feeling ko nafeel ni Josh na di sya sapat kaya nagsorry sya char.”

“parang ang pinopoint kase ni Kim or ubg nagpapatanong.. BAKIT SYA MAGSOSORRY eh sa totoong story nila si Julia nagloko,ang slow nio naman”

“Nag sorry siguro dahil d nya protektahan si Julia nung time na binash sya dahil sa Bea-Gerald issue.”

Read also: RR Enriquez, Halos Nalugi ng P6 Milyon Matapos Bumili ng Isang Truck na Milktea!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parhong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment