"Party girl kasi ako"- Sofia Andres, Aminadong sa Bar Lang Nakilala ng BF na si Daniel Miranda

Maraming babae ang napapa-sana all sa love story ni Daniel Miranda at Sofia Andres! Talagang maraming netizens ang humahanga sa matibay na samahan ng celebrity couple na ito. Nitong nakaraang taon lamang ay inamin ni Sofia sa publiko na mayroon na siyang anak sa kanyang boyfriend. Ayon kay Sofia, kahit pa matagal niyang itinago si Zoe mula sa publiko ay proud naman siyang maging mommy.

Ang boyfriend ni Sofia na si Daniel ay galing sa Miranda clan ng Cebu. May-ari rin sila ng iba’t-ibang businesses, at isang international race car driver si Daniel. Sa kanyang nakaraang interview, inalala ni Sofia ang unang beses na nagkita sila ni Daniel.

Read also: Sa Kanilang 5th Wedding Anniversary, Pauleen, Proud na Ginunita ang Pagiging Mrs. Sotto Niya!

“Party girl kasi ako nu’ng time na ‘yun. And then na-meet ko siya sa The Fort. Hindi ko talaga ini-expect kasi I wasn’t really looking for anything like love life or whatever. So na-meet ko siya. May kumalabit sa akin. Cousin niya pala. Sabi, ‘My cousin finds you pretty’. So nagpa-picture siya. Hindi niya alam artista ako.”

Ayon kay Sofia, bago pa man niya maging boyfriend si Daniel ay party girl na talaga siya. Tuwing kasama niya ang kanyang squad ay kung saan-saang bar sila napapadpad para magsaya.

Nagkataon naman na nakita rin ni Sofia si Daniel sa isang exclusive club sa The Fort.

Dito na raw nagsimula ang pagkakaibigan ng dalawa. Nang hindi magtagal ay nagkadevelopan rin sila ng feelings para sa isa’t-isa.

Ayon pa kay Sofia, first girlfriend siya ni Daniel, kaya naman noong una ay tila nahihiya pa ito sa kanya. Ngunit hindi nagtagal at nagkapalagayan na rin sila ng loob.

“Although ‘yung sa mga ganu’ng puma-party, I’m done na with all that. Siya ‘yung adventurous. Ako I can just stay home all day ganyan. So ako parang oy nagsstay pala ako ganun. So, I’m really happy every time we’re out of town. So ‘yung mga ganun na-aappreciate ko na parang du’n niya ako ini-introduce sa ganu’ng side. Hindi du’n sa past side ko na party girl.”

Read also: Bagong Kasal, Parang Tumama sa Lotto Matapos Makatanggap ng House and Lot at 1 Million sa Kanilang Kasal!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag-atubiling mag-follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment