Bago pa Man si Vice Ganda, Ion Perez, Dating Nakikitang Kasama ng Isang Sikat na Fashion Designer na Ito

Nakilala si Ion Perez ngayon sa kanyang role sa “It’s Showtime.” Dito rin niya nakilala ang kanyang partner na si Vice Ganda. Ngunit bago pa man siya makilala sa noontime show na ito, alam niyo bang dati pang tinangkang pumasok sa showbiz industry ni Ion? Lingid sa kaalaman ng mga fans, matagal nang sinusubok ni Ion na magkaroon ng career sa showbiz ngunit ngayon lamang siya swinerte.

Hindi na bago si Ion Perez sa mga gaming shows. Sa katunayan, bago pa man siya makilala sa “It’s Showtime,” iba’t-ibang variety shows na rin ang sinalihan ni Ion.

Isang dekada na ang nakakalipas nang mapasali si Ion sa casts ng sikat na variety show ni Willie Revillame na “Willing Willie.”

Read also: Ivana Alawi, Ibinuking Kung Sino ang Hunk Actor na Ito na Matagal na Niyang Hinahangaan!

Noong 2010 ay nakatrabaho ni Ion si Shalani Perez, na isa sa mga co-hosts ni Willie. Bukod pa sa kanyang hosting stint, sinubukan ring pasukin ni Ion ang mundo ng pagmomodelo.

Base sa kanyang mga lumang photos, kitang-kita naman kung gaano kalaki ang physical transformation ni Ion Perez! Talagang hindi na makilala si Ion mula sa kanyang dating itsura.

Bago pa man niya makilala si Vice ay napalapit na rin si Ion sa isang pang fashion icon. Si Robert Castaneda ang tumutulong dati sa model, bago pa ito maging sikat sa industriya.

Ayon sa report sa Philippine Entertainment Portal, laging isinasama ng fashion designer si Ion sa kanyang mga gigs tulad ng events, parties, at taping.

“I have known him since 2010. Isinama ko siya noon in one of the events ni Willie. Nasa Channel 5 pa noon ang game show biya. Isinama ko rin siya sa taping ng Banana Split, ang show noon ni Edgar Mortiz sa ABS-CBN. Masarap kasama yan, mabait at masayahin,” ayon kay Robert.

Ayon pa sa mga fans, may pagkakahawig sila Ion at Vice sa kanilang mga throwback photos. Sa ating mga Pilipino, isang malaking paniniwala na kung magkamukha kayo ng iyong irog, ibig sabihin nito ay itinadhana kayo sa isa’t-isa! Ngayong taon ay magce-celebrate na ng kanilang 3rd year anniversary si Ion at Vice.

Read also: Identical Twins? Andi Eigenmann, Pinatunayan na Mini-Me Niya ang Panganay na si Ellie sa Throwback Picture na Ito

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment