Isa si Alden Richards sa mga pinakahinahangaang aktor sa GMA 7. Bukod sa boy-next-door look ng aktor na ito, marami rin ang napabilib sa galing niya sa pag-arte! Dahil dito, mabilis na umangat ang career ni Alden at bumida na rin siya sa maraming blockbusters. Ngunit alam niyo ba na bukod kay Alden ay mayroon pa siyang isang artistahing kapamilya?
Ito ay walang iba kundi ang nakababata niyang kapatid na si Riza Faulkerson. Mukhang nasa dugo nga nila Alden ang pagiging artistahin, dahil talagang charming din ang kanyang nakababatang kapatid.
Ipinanganak si Mary Christine, o mas kilala bilang Riza, noong August 13, 1995. Pangatlo siya sa apat na magkakapatid, kabilang si Alden, RD, at ang bunso nilang babae na si Angel.

Read also: RR Enriquez, Halos Nalugi ng P6 Milyon Matapos Bumili ng Isang Truck na Milktea!
Lumaking malapit sa isa’t-isa ang magkakapatid, lalong-lalo na si Riza at Alden. Noon pa man ay suportado na nila ang isa’t-isa. Sa social media, madalas ring makita ng mga fans ang larawan ng dalawa na magkasama.
Kadalasan ring present si Riza sa mga projects at events na dinadaluhan ng kanyang kuya. Minsan na rin siyang nag-guest sa “Eat Bulaga.”
Isa sa mga bonding moments nila ay ang pagbisita sa iba’t-ibang lugar. Noong 2020 lang ay nag-holiday vacation ang buong pamilya sa South Korea. Mahilig ring mag-outing si Riza sa beach, upang makabawas ng stress mula sa kanyang trabaho.


Ngunit kahit na hindi pinasok ni Riza ang industriya ng showbiz, nananatili pa rin siyang supportive sa career ng kanyang kuya. Sa katunayan, isa siya sa mga number 1 ni Alden! Todo ang pagsuporta ni Riza at ng kanilang pamilya kay Alden.
Mukhang protective at malambing na kuya naman ang aktor sa kanyang nakababatang kapatid na babe. Sa katunayan, sinuportahan rin ni Alden ang pag-aaral ng kapatid.
Ayon sa report ng GMA News, si Alden ang nagsustento sa edukasyon ng kanyang kapatid. Noong 2016 ay nagtapos na si Riza sa kolehiyo, at talagang pumunta si Alden upang masaksihan ang importanteng araw na ito sa buhay ni Riza. Sa ngayon ay nagta-trabaho na siya sa management field ng isang fastfood chain.


Read also: Dalawang Paslit sa Cagayan, Namaalam; Tatay, Na-Comatose Matapos Makakain ng Nakakalasong Alimango
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment