Sa social media, binansagang ‘ideal family’ ang pagsasama ni Andi Eigenmann at ng kanyang fiance na si Philmar Alipayo. Sa kasalukuyan ay mayroong tatlong anak ang dating aktres–sina Ellie, Lilo, at Koa. Maraming fans ang nakasubaybay sa Youtube channel ng pamilya na “The Happy Islanders.” Bukod sa marami kag matututunan, siguradong maaaliw ka rin sa kanilang pang-araw araw na buhay.
Simula ng talikuran ni Andi ang showbiz, mas pinili rin niyang magkaroon ng simpleng pamumuhay kasama ang kanyang fiance.
Kasama na rito ang pagda-downgrade, kung saan mas pinili ni Andi na magkaroon ng tahimik na buhay sa probinsya. Kung dati ay sanay si Andi sa kanyang marangyang buhay, ngayon naman ay mas natuto na siyang maging independent.
Read also: RR Enriquez, Halos Nalugi ng P6 Milyon Matapos Bumili ng Isang Truck na Milktea!

Aminado rin si Andi na malaki ang ipinagbago niya simula noong magkaroon siya ng anak. Unti-unti rin daw siyang natuto sa mga gawaing bahay simula nang magsama sila ni Philmar. Sa katunayan, kamakailan lang ay ibinahagi ni Andi ang cleaning routine nila sa bahay sa kanyang recent vlog.
Kahit pa afford nila ang kumuha ng kasambahay, mas pinili ni Andi at Philmar na sila mismo ang mag-alaga sa kanilang mga anak. Kasama na dito ang pagmumulat sa kanila sa mga gawaing bahay.
Sa katunayan, nagtutulungan si Philmar at Andi sa mga gawaing bahay upang mas mapadali ang kanilang pang-araw araw na routine. Ayon kay Philmar, si Andi ang madalas na nagluluto ng kanilang pagkain.


Mahilig rin daw mag-disinfect si Andi ng mga gamit sa bahay, upang masigurado na malinis ang buong bahay at ligtas ang mga bata. Naglalaba rin si Andi, ngunit si Philmar ang pinapabuhat niya ng mabibigat na timba dahil kakapanganak niya pa lang.
Sa kabilang banda, si Philmar naman ang nakatoka sa paghuhugas ng pinggan dahil si Andi na ang nagluluto. Bukod pa dito, siya rin ang nag-aalaga sa mga bata habang may gawain si Andi. Tinuturuan rin ng couple ang kanilang mga anak sa mga gawaing bahay upang maaga silang mamulat.
Maraming netizens naman ang humanga sa parenting style na ito ni Andi! Kahit pa afford nila ang magkaroon ng yaya, mas pinili ni Andi na maging hands-on sa kanyang mga anak. Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit mas lalong dumadami ang mga taong humahanga sa dating aktres na ito.


Read also: Dalawang Paslit sa Cagayan, Namaalam; Tatay, Na-Comatose Matapos Makakain ng Nakakalasong Alimango
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment