Jose Manalo, May Importanteng Mensahe sa Anak na si Benj Manalo Matapos Magpakasal kay Lovely Abella

Ayon nga sa kasabihan, hindi biro ang pag-aasawa. Kaya’t bago mo ito pasukin, dapat ay ilang beses mo ping-isipan at desidido ka na sa iyong magiging lifetime partner. Kamakailan lang ay pinag-isang dibdib na ang celebrity couple na sina Benj Manalo at Lovely Abella! Noong 2019 lang ay na-engaged ang dalawa, at hiningi rin ni Benj ang blessing ng anak ni Lovely.

Kung isa kayo sa mga tagasubaybay ng couple, malamang ay alam niyo na rin ang kwento ng kanilang pag-iibigan. Mahigit ilang taon na ring magkasintahan ang dalawa bago pa man nila napagdesisyunan na magpakasal. Noong June 2019, sinorpresa ni Benj si Lovely sa isang napakasweet na proposal!

Read also: Mga Fans, Nalungkot sa Biglaang Hiwalayan ng PBB Love Team ni Andre Brouillette at Lou Yanong

Ikinasal ang dalawa sa isang engrandeng ceremony noong January 23 na ginanap sa Quezon City. Dumalo sa espesyal na okasyon na ito ang mga mahal sa buhay ng mag-asawa, kasama na ang kanilang mga pamilya at kaibigan. Nagbigay naman ng payo ang ama ni Benj na si Jose Manalo para sa bagong kasal.

Ayon sa “Eat Bulaga” host, bago pa man magpakasal si Benj ay humingi muna ito ng blessing mula sa kanyang ama.

Malapit ang dalawa sa isa’t-isa, kaya naman mahalaga rin para kay Benj na marinig ang saloobin ng kanyang ama sa kanilang nalalapit na kasal ni Lovely.

“Before pa siya ikasal, tumawag siya sa akin at sinabing magpapakasal na siya para humingi ng basbas. Sabi ko sa kanya na, ‘Benj, at your age siguro alam mo na ‘yan. Sa dami na rin ng pinalamon ko sa yong pangaral.’”

Para sa kanyang bagng manugang naman, pinayuhan ni Jose si Lovely na maging isang mabuting maybahay sa kanyang pamilya. Ayon pa sa “Eat Bulaga” host, mas masarap ang magsilbi kaysa ang pagsilbihan ka.

“Never na never kang gi-give up kung wala namang masamang dahilan. Kung masasalba mo ang asawa mo at pamilya mo, kailangan ituloy-tuloy mo ‘yan. Sa tingin ko mas masarap mag mahal kaysa mahalin. Mas masarap mag-serve kaysa pagsilbihan ka.”

Read also: Dating Online Seller, Madam na Ngayon! Nakapagpatayo ng Bodega sa Pagtitinda ng Ukay

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag-atubiling mag-follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment