Bilang magulang, isa sa mga layunin natin ay mapalaking mabuting tao ang ating mga anak. Ngunit sa kasamaang palad, hindi madaling magpalaki ng bata. Lalo pa’t kung simula pa lang silang namulat sa mundo at hindi pa nila alam ang tama o mali. Kaya naman bilang magulang, dapat ay lagi natin silang gabayan upang masiguradong nasa tamang landas sila.
Habang bata pa lang, dapat ay sanayin na natin ang ating mga anak na lumaking magalang at masunurin. Narito ang mga tips upang mapalaki ng maayos ang iyong anak.
Kung ayaw mong lumaking salbahe o pasaway ang iyong mga anak, subukan mo ang mga payong ito ng eksperto na si Emma Senner.

1. Masyado mo silang binibigyan ng atensyon
Mahalagang pagtuunan ng atensyon ang ating mga anak, ngunit hindi rin maganda ang sobra-sobrang paghihigpit sa kanila.
Habang lumalaki sila, kailangan rin nilang maranasang maging independent upang hindi sila lumaking umaasa sa mga magulang. Mahalaga ring bigyan sila ng sariling space.
2. Takot ka sa mga anak mo
Ayon nga sa mga matatanda, hindi dapat ikaw ang matakot sa anak mo, kundi sila dapat ang magkaroon ng takot sa iyo. Maraming bata ang lumalaking pasaway dahil alam nilang susunod ang kanilang mga magulang sa gusto nila.
Kaya naman habang maaga pa ay dapat mo nang disiplinahin ang ganitong kaugalian.

3. Hinahayaan mong lumaking spoiled ang anak mo
Mahalaga ang pagsilbihan ang ating mga anak, lalo pa’t kung maliit pa lamang sila. Ngunit iwasan ang masyadong pag-spoil sa kanila. Wag basta-basta ibigay ang lahat ng hinihingi nila, lalo pa’t kung hindi naman ito mahalaga. Sa ganitong paraan, maiiwasan mong magkaroon ng spoiled na bata na mahirap disiplinahin.
4. Hinahayaan mo silang ma-adik sa gadgets
Malaki ang naitutulong ng gadgets sa mga bata, ngunit may mga masamang epekto rin ito. Bilang magulang, responsibilidad natin na i-moderate ang paggamit ng gadgets ng ating mga anak.

Ano ang masasabi mo sa mga tips na ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment