Karamihan sa atin ay nangangarap ng komportableng buhay sa ating pagtanda. Pagdating ng panahon na ito, mas gusto na lamang nating manatili sa ating bahay sa piling ng ating mga pamilya. Ngunit masaklap isipin na hindi lahat sa atin ay kayang mabuhay ng komportable sa ating pagtanda. May mga lolo at lola na napipilitan pang maghanapbuhay sa kabila ng kanilang katandaan.
Isa na sa kanila ay ang lola na ito, na kamakailan lang ay nag-viral sa social media. Isang concerned citizen ang nagbahagi sa nakakahabag na kwento ng lola na ito, na kahit pa matanda na ay tuloy pa rin ang pagkayod para sa pamilya niya. Ibinahagi ng netizen na ito ang kwento ni lola sa social media.
Read also: Super Tekla, Nakaipon Matapos Iwanan si Michelle, Nakapagpatayo na rin ng Sariling Bahay!

Ayon sa post, araw-gabi naglalako si Lola ng kanyang tinitindang puto. Madaling araw pa lamang daw ay umaalis na ito sa kanyang bahay, dala-dala ang basket na may lamang puto. Nag-iikot ikot si Lola kahit pa tirik ang araw para lamang maubos ang paninda niya.
“Nakasabay ko lang si nanay kanina sa daan. Nadurog ang puso ko nang makita siya ng ganun. Napakasipag naman ni nanay talaga kasi nagtitinda po siya ng puto tuwing madaling araw. Kahit na po ganyan ang katawan niya ay gumagawa pa rin ng paraan para buhayin nya ang dalawang apo nya na iniwan ng anak nya sa kanya.”
Ngunit ano nga ba ang nagtutulak kay Lola na maghanapbuhay pa sa kabila ng kanyang kalagayan? Nang makausap ng netizen si Lola, ibinahagi nito na mayroon siyang dalawang apo na kailangang buhayin. Iniwan daw ito sa kanya ng anak niya na simula noon ay hindi na nagsuporta para sa mga bata.

Maraming netizens naman ang nahabag sa kalagayan ni Lola. Mayroon ring tumawag sa atensyon ni Raffy Tulfo upang matulungan si Lola sa kanyang sitwasyon.
Ang iba naman ay nanawagan sa anak ni Lola na magpakita na at magsuporta sa mga anak nito upang hindi na mahirapan pa si Lola sa paghahanapbuhay.
Read also: China Roces, Ipinakilala na ang 14-Anyos na Anak na Matagal Itinago sa Publiko!
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag-follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment