Sa panahon ngayon, usong-uso na ang online shopping. Sa pamamagitan ng Shopee at Lazada, isang click mo lang, maaari mo nang ipa-deliver sa bahay mo ang nais mong bilihin. Ngunit may mga tao ring ginagamit ito para maka-scam ng iba. Kung madalas kang umorder online, mag-ingat ka dahil may bagong budol-budol modus ngayon!
Isang netizen na nagngangalang Anne May Teves ang nagbahagi ng kanilang nakakabahalang karanasan. Ayon kay Teves, isang araw ay may nagpunta sa kanilang lalaki na nakabihis bilang delivery man.
Hinahanap umano nito ang ate ni Anne, at nagsabing mayroong parcel na idedeliver, ngunit kailangan munang bayaran ng P840.

Noong una pa lang ay nagduda na si Anne, dahil ilang taon na ring hindi nakatira ang ate niya sa kanila. Bukod pa dito, kung may order daw iyon ay paniguradong ihahabilin sa kanila.
Mas lalo pa syang nagsuspetsa dahil sa kakaibang kinikilos ng ‘delivery man,’ na pilipilit silang kunin ang nasabing parcel.
“I never imagined we will experience this. My brother told me that my ate has a delivery from Lazada and needs to pay in cash. Nagtataka kami dahil almost 2 years na wala dito si Ate since she already migrated and if ever man, magsasabi siya sa ammin kung may pinadeliver siya. So isip ko agad na baka scam.”
Tinanggihan daw nila Anne ang parcel, ngunit pinipilit sila ng lalaki. Ayon pa sa delivery man, kung hindi nila tatanggapin ito ay maaari siyang mawalan ng trabaho.


Upang makasigurado, tinawagan ni Anne ang kanyang ate sa video call, at kinumpirma nito na wala siyang inorder na kahit ano.
Sa huli ay umalis din ang lalaking nagpapanggap na ‘delivery man,’ ngunit bago ito, nakuhaan ng larawan ni Anne ang package na dala dala nito. Halagang P840 ang sinisingil ng lalaki para daw sa cash on delivery. Ang nakakapagtaka pa dito, alam na alam daw ng scammer ang buong detalye ng kanyang ate.
Binalaan naman niya ang mga netizens tungkol sa bagong scam na ito. Ayon pa sa iba na tumingin sa parcel, mukhang peke daw ang waybill nito dahil wala ring nakapangalan na seller.

Read also: Wais na Guro, Nag-Viral Dahil sa Mala-Birdbox na Oral Recitation sa Online Class!
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment