Moira, Ibinunyag ang Dahilan Kung Bakit si Joshua at Julia ang Napili Niya sa Music Video ng 'Paubaya'

Nitong nakaraang Valentine’s day, maraming fans ang napaiyak matapos mapanood ang music video ng “Paubaya” ni Moira dela Torre. Pinagbidahan ito ng dating celebrity couple na sina Joshua Garcia at Julia Barretto. Matapos itong ilabas sa social media, agad namang nag-trending ang music video dahil sa emosyonal na komprontasyon ng JoshLia na talagang nagpaiyak sa mga fans.

Matagal nang ini-release ni Moira ang kanyang single na “Paubaya.” Ngunit nitong Valentine’s day lamang siya nakapaglabas ng music video.

Maraming netizens naman ang nagtataka kung bakit naghintay ng matagal si Moira bago i-release ang music video na ito. May mga nagtatanong rin kung bakit si Joshua at Julia ang napili niya para sa role.

Read also: Fans, Napansin ang Kakaibang Binulong ni Julia kay Joshua sa Taping ng “Paubaya!”

Ayon kay Moira, matagal na silang magkaibigan ni Joshua Garcia at Julia Barretto. Bukod pa dito, wala rin daw siyang ibang maisip na artista na makapagbibigay ng justice sa totoong kahulugan ng kanyang kanta.

“Joshlia and Jayson and I, we’ve been friends for quite a while now. But even without the friendship, we have been their biggest fans. We just couldn’t think of anything else who could be as raw and as natural in conveying a message about forgiveness,” pahayag ni Moira tungkol sa pagpili niya sa dalawa.

Sa Instagram, nagbahagi rin si Moira ng isang nakaka-touch na mensahe para sa dalawang aktor. Ayon kay Moira, kung hindi dahil sa magaling na pag-arte ni Julia at Joshua ay hindi mabibigyang buhay ang kanyang kanta.

Kaya naman todo ang papuri ng singer sa dalawa dahil sa kanilang dedikasyon sa kanilang mga role.

“Thank you for your trust and your love and your time. You are two of the best actors we know, but you are also two of the kindest, strongest, and bravest that we know. It’s such an honor to be called your friend. Thank you for closing this season with us and for helping us tell a beautiful story of forgiveness, of freedom, and of trusting God.”

Sa ngayon ay lagpas 17 million na ang views ng kantang ito sa Youtube. At kahit pa ilang araw na ang lumipas matapos itong i-release, nananatili pa ring top trending ito sa Youtube Philippines.

Read also: Extra sa Music Video ng Joshlia, May Ibinuking na Nangyari sa Pagitan ni Joshua at Julia Habang Nagte-Taping!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment