“Alam mong may nagbago”- Baninay, Emosyonal na Ibinalita ang Hiwalayan Nila ni Bont Bryan

Maraming fans ang nalungkot sa biglaang hiwalayan ni Baninay Bautista at Bont Bryan. Ano nga kaya ang dahilan sa breakup ng dalawa?Ayon sa Feng Shui Master Han Cua, ngayong 2021, maraming magka-relasyon ang maghihiwalay. Mukhang totoo ang prediskyon na ito para sa celebrity couple na si Baninay Bautista at Bont Bryan. Matapos ang dalawang taong pagsasama, sa hiwalayan rin nauwi ang relasyon ng dalawa.

Kamakailan lang ay ibinahagi ni Baninay ang malungkot na balitang ito sa kanyang mga fans. Emosyonal ang Kapamilya star na humarap sa kanyang vlog na may title “Wala na kami.”

Ayon kay Baninay, noong January lamang ay napagkasunduan nila ni Bont na tapusin na ang kanilang relasyon. Hindi naman nilinaw ni Baninay ang dahilan ng kanilang hiwalayan ng kanyang ex-boyfriend.

Read also: Bea Alonzo at Dominic Roque, Tinago nga ba sa mga Fans ang Secret Vacation Nila sa Amanpulo?

“Love na love ko siya pero dadating din pala kayo sa point na hindi kayo magkakaintindihan, na hindi mo alam kung anong nangyaring mali pero alam mong may mali… Alam mong may nagbago. Hindi ko alam kung ano’ng point sa relationship namin, pero alam ko na may problema na kami,” pahayag ni Baninay.

Ayon kay Baninay, paminsan-minsan ay nag-uusap pa rin sila ni Bont kahit pa hiwalay na sila. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na business partners din ang dalawa sa iba’t-ibang ventures, kaya naman hindi madali ang hiwalayan na ito. Gayunpaman, hindi nila hinahayaang makahadlang ito sa kanilang mga business.

Idinagdag rin ni Baninay na kahit pa hiwalay na sila, mayroon pa ring espesyal na lugar si Bont sa buhay niya. Hindi rin madling kalimutan ang dalawang taong pagsasama nila. Gayunpaman, kailangan na nilang mag move on para na rin sa kapakanan ng isa’t-isa.

“Akala ko nga babalik na kami sa dati pero may something na hindi mapi-fix kapag hindi [mo] rin na-fix sa sarili mo. Kumbaga aayusin ko muna sarili ko, aayusin mo muna sarili mo, saka tayo mag-usap, parang gano’n. Time apart lang talaga ‘yung kailangan namin… Let me grow. I’ll let you grow.”

Read also: Jose Manalo, May Importanteng Mensahe sa Anak na si Benj Manalo Matapos Magpakasal kay Lovely Abella

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag-atubiling mag-follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment