Wala na sigurong mas sasakit pa sa isang magulang ang mawalan ng anak. Walang magulang ang pinangarap na masasaksihan ang pagpanaw ng kanilang anak, ngunit may mga pangyayari na hindi natin inaasahan. Katulad na lamang ng malagim na aksidente na naganap sa isang pamilya na ito mula sa California, United States. Hindi inakala ng Sanchez family na mangyayari sa kanila ito.
Ayon sa mga report, Nobyembre noong nakaraang taon nang masangkot ang buong pamilya sa isang madugong aksidente. Ligtas ang buong pamilya, ngunit nagtamo sila ng malalang injuries, lalo na ang batang si Lexus. Dahil sa kanyang natamong mga injuries mula sa crash ay kinailangang ma-confine ng isang taong gulang na bata sa ICU.

Read also: “Alam mong may nagbago”- Baninay, Emosyonal na Ibinalita ang Hiwalayan Nila ni Bont Bryan
Ilang buwan ring nasa ICU si Lexus, kung saan ginawa ng mga doktor ang lahat ng makakaya nila upang ma-stabilize ang kondisyon nya.
Ngunit sa kabila ng kanilang efforts at pagdadasal ng pamilya niya, nanatiling brain dead ang bata at hindi na nakitaan ng tsansa na makaka-recover pa.
Dahil dito, masakit man para sa kanila ay kinailangan na ng mga magulang ni Lexus na magdesisyon. Nitong January 18, napagdesisyunan ng pamilya na i-let go na ang laban ni Lexus. Ido-donate naman nila ang mga organs nito sa ibang pasyenteng nangangailangan.


Dalawang bata at isang matandang pasyente ang nakatanggap ng organs ni Lexus. Ngunit bago ang operasyon, sinulit muna ng mga magulang niya ang mga huling sandali na makakasama nila ang kanilang anak. Hinalikan nila ito at niyakap sa huling pagkakataon.
Pinalakpakan naman ng mga hospital staff ang ginawang sakripisyo ni Lexus. Kahit pa nawala na siya sa mundong ito, malaki naman ang naitulong niya upang mabuhay ang tatlong pasyente na nakatanggap ng organs niya.
Sa ganitong paraan, nararamdaman ng pamilya na buhay pa rin ang kanilang mahal na bunso.
Read also: Bea Alonzo at Dominic Roque, Tinago nga ba sa mga Fans ang Secret Vacation Nila sa Amanpulo?


Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag-atubiling mag-follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment