Taliwas sa paniniwala ng karamihan, ang Valentine’s day ay hindi lang para sa mga magkarelasyon. Ang espesyal na okasyong ito ay para rin sa mga mahal natin sa buhay, kabilang na ang ating pamilya. Kaya naman pag papalapit na ang Valentine’s day, maraming tao na rin ang naghahanda upang isorpresa ang kanilang mga nanay at tatay! Isa na sa kanila ay ang komedyante at aktres na si Kiray Celis.
Kilala si Kiray sa pagiging family-oriented niya. Dati pa man ay aminado na si Kiray na malapit siya sa kanyang pamilya, lalong-lalo na sa kanyang nanay at tatay. Kaya naman ngayong Valentine’s Day, naisipan ni Kiray na sorpresahin ang kanyang mga mahal sa buhay! Ngunit hindi naman basta-basta lang ang inihandang sorpresa ni Kiray.

Bukod sa flowers at chocolates, nagbigay rin si Kiray ng napakalaking money bouquet sa kanyang nanay at tatay! Punong-puno ng P100 bills ang bouquet, na tinatayang umabot rin sa three feet ang laki.
Ibinahagi ni Kiray ang espesyal na sorpresa niyang ito sa social media, kung saan naglaan rin siya ng mensahe sa kanyang mga magulang.
Ayon kay Kiray, malaki ang utang na loob niya sa kanyang mga magulang na kahit kailan ay hindi sumuko sa pagsuporta sa kanilang magkakapatid.


Dahil dito, nangako rin ang aktres na mas pagbubutihin niya pa upang mabigyan ng maginhawang buhay ang kanyang mga magulang.
“Happy happy Valentine’s day, Mama and Papa. Hindi man ako perpektong anak, pero ibibigay ko lahat ng kaya ko, guminhawa lang ang buhay nio. Salamat sa walang sawang suporta, pagmamahal, at pag-intindi sa akin. Mahal na mahal ko kayo. Next time, tig 1k na yan lahat. Pagpasensyahan nyo na ha? Yan lang nakayanan ko.”
Sa ngayon naman ay umabot na sa mahigit na 24,000 likes ang post ni Kiray sa Instagram. Maraming netizens rin ang naantig sa sorpresa ni Kiray.
Ang iba sa kanila ay nagpahayag din ng paghanga sa aktres dahil sa pagmamahal nito sa kanyang mga magulang.

Read also: Dimples Romana, Maagang Sumabak sa Pag-Aartista Upang Maging Breadwinner ng Pamilya
Ikaw, may natanggap ka rin bang regalo ngayong Valentine’s day? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment