Loyal na Aso, Hindi Umalis sa Piling ng Amo Niya na Pumanaw Dahil sa Sakit

Ayon nga sa kasabihan, ang aso ay man’s best friend. Para sa karamihan, hindi na basta basta hayop ang turing nila sa kanilang alaga, kundi parte na rin ng kanilang pamilya. Bukod sa pagpoprotekta sa kanyang amo, napapasaya rin ng aso ang isang tahanan lalo pa’t kung matagal na itong alaga. Dahil dito, kahit hanggang dulo ay nananatiling tapat ang aso sa kanyang amo.

Kamakailan lang ay ibinahagi ng SunStar Bacolod News ang nakakaantig na kwento ng isang aso na ito at ng kanyang amo mula sa Barangay Sum-ag sa Bacolod City.

Sa kasamaang palad, naudlot ang matagal na pagsasama ng dalawa matapos pumanaw ang amo na si Joven nitong nakaraang Disyembre lamang.

Read also: Ivana Alawi, Ibinuking Kung Sino ang Hunk Actor na Ito na Matagal na Niyang Hinahangaan!

Ayon sa report, may intestinal complications si Joven. Ang kanyang alagang male labrador na magta-tatlong taon na ay dinapuan rin ng sakit, kung saan nagkaroon siya ng tumor.

Dahil dito, sabay na lumalaban sa kanilang mga karamdaman si Sean at Joven, ngunit naunang pumanaw ang amo nito.

“This was Kuya’s plan when he was still alive, to prioritize his dog’s condition rather than the pain he was enduring. We are knowcking to everyone’s heart to help us for the medication of Sean. It’s for the memory of our late kuya and to continue the love he had show to his pet bestfriend.”

Ayon sa naiwang pamilya ni Joven, sa burol at libing nito ay hindi siya iniwanan ng kanyang tapat na alaga. Ramdam na ramdam din ang lungkot ng aso sa pagpanaw ng amo nito.

Kaya naman ngayon ay humihingi ng tulong ang pamilya ni Joven upang makalikom ng pera na pampagamot ng kanilang alaga.

Upang makalikom ng pera sa operasyon ni Sean, ibinebenta ng pamilya ni Joven ang koleksyon nito ng National Geographic magazine. Maraming netizens naman ang naantig sa kwento ng dalawa, at agad itong nag-viral sa social media.

Read also: Identical Twins? Andi Eigenmann, Pinatunayan na Mini-Me Niya ang Panganay na si Ellie sa Throwback Picture na Ito

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment