Dalawang bata sa Tuguegarao City, Cagayan ang binawian ng buhay matapos makakain ng nakakalasong alimango noong February 19. Ayon sa ina ng mga bata na si Maylyn Cuabo, nabingwit lamang ng kanyang asawang si Eugenio ang mga alimango, ngunit hindi nila alam na may taglay na lason pala ito. Ang nakakalasong alimango ay mas kilala sa tawag na kuret, o Zosimus aeneus.
Sa isang interview, ibinahagi ni Maylyn na siya mismo ang nagluto ng paksiw na alimango. Naunang kumain ang kanyang asawa at dalawang anak.
Ngunit nang tikman na ni Maylyn ang alimango, nabahala daw siya dahil kakaiba ang lasa nito. Dito na rin daw nagsimulang makaramdam ng kakaibang sintomas ang kanyang asawa’t anak.

Read also: Rufa Mae Quinto, Ipinasilip ang Kanyang Bonggang Dream House na Naipatayo Niya sa Amerika!
“Ipinaksiw ko ‘yung alimango na inuwi ng mister ko. Sinigurado ko na luto siya. Naunang kumain yung mga anak ko at yung asawa ko, nung napansin kong nakakarami na sila, nagpatira ako ng isang pirasa. Nung tinikman ko, ibang klase yung asim nya! Pagkatapos naming kumain, naramdaman ko na parang nasusuka ako. Pero ayaw lumabas.”
Nagsimula na rin umanong magsuka at manghina ang dalawang anak ni Maylyn, na edad 5 at 2. Hindi na rin daw makahinga ng maayos ang kanyang 5-anyos na anak, maging ang kanyang asawa ay hindi na maigalaw ang katawan. Sinubukan pa nilang isugod sa ospital ang tatlo, ngunit binawian ng buhay ang kanyang dalawang anak.


“‘Yung five years old ko, parang hindi na rin siya makahinga. Parang may nakabara sa lalamunan niya. Dinala namin sila sa ospital. ‘Yung dalawa kong anak namatay, ‘yung mister ko na-comatose! Nangyari lahat ng ito dahil lang sa kinain nilang alimango!”
Ayon sa mga eksperto, ang mga nakaing alimango ng mag-anak ay mayroong neurotoxins, na maaaring magresulta sa food poisoning. Binalaan rin ng mga eksperto ang publiko na iwasan ang pagkain sa nakakalasong alimango na ito.
Ayon naman sa local government unit, mag-aabot sila ng tulong pinansyal sa pamilya upang makatulong sa pagpapalibing sa dalawang paslit na nasawi.
Read also: Mon Confiado, May Bagong Hollywood Film na Pagbibidahan Kasama ang Isang Italian Actress

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment