Sagradong 'Kissing Stone' sa South Cotabato, Nagbibigay Raw ng Lovelife sa mga Taong Hahalik Dito?

Sa pagpasok ng Valentine’s, maraming single ang hindi mapigilang maging bitter sa okasyong ito. Talagang nakakalungkot nga naman ang makita ang mga sweet na couples, lalo pa’t kung wala kang karelasyon. Dahil dito, marami rin ang humahanap ng iba’t-ibang paraan para ma-meet ang kanilang forever! Isa na sa kanila ay ang babaeng ito, na nakilala ang kanyang kasintahan sa di inaasahang pagkakataon!

Sikat sa mga turista ang Lake Holon sa T’Boli, South Cotabato, dahil sa angking ganda ng lugar na ito. Ngunit bukod sa natatanging ganda ng lugar, sikat din ito sa mga taong sawi sa pag-ibig.

Naniniwala ang mga residente na kapag hinalikan mo ang kissing stone, makakahanap ka ng taong mamahalin mo.

Read also: Kiray Celis, Sinorpresa ang Nanay at Tatay ng Isang Malaking Flower Bouquet Ngayong Valentine’s Day!

Dahil dito, maraming single ang nagte-trek papuntang Lake Holon para lamang masilayan ang misteryosong batong buhay na ito. Matapos halikan ay magwi-wish ka upang makahanap ka ng love life.

Isa sa mga nagpapatunay dito ay si Lovely at John, na parehong nakahanap ng lovelife matapos halikan ang bato.

Ayon kay Lovely, noong una ay hindi pa siya naniniwala. Pero matapos niyang halikan ang bato, nakilala niya noong araw ding iyon ang lalaking magpapatibok ng puso nya!

“Skeptical talaga ako noong una. Wala namang relation yung bato sa love life. Pero wala rin namang mawawala kung susubukan ko. Hanggang sa may nakilala ako sa isang trek, si John! Habang nagha-hike, nadulas ako. Pero nasalo niya ako! After non, nagka-chat. Tinanong niya kung pwede manligaw. Hanggang sa naging kami,” pahayag ni Lovely.

Para kay John, itinadhana talaga sila ng kanyang girlfriend. Isa rin daw siya sa mga humalik sa ‘Kissing Stone’ noon sa pag-asang makahanap ng babaeng mamahalin, at maswerte niyang nakilala si Lovely sa pagbaba nila sa kanilang trek.

Sa ngayon ay ilang magtu-two years na ang relasyon nilang dalawa at going strong pa rin!

Read also: Extra sa Music Video ng Joshlia, May Ibinuking na Nangyari sa Pagitan ni Joshua at Julia Habang Nagte-Taping!

Ikaw, willing ka rin bang halikan ang kissing stone na ito para makahanap ng love life? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment