"Umiyak ako nun"- Ivana Alawi, Naiyak Matapos Ipahiya at Sigaw-Sigawan ng Isang Beteranong Host

Si Ivana Alawi ang isa sa mga pinakasikat na celebrity vloggers sa industriya ng showbiz. Ngunit bago pa man siya sumikat, naranasan ring maging starlet ng 24-anyos na star na ito nang siya ay nagsisimula pa lang sa showbiz. At bilang starlet, mayroon ding hindi magandang karanasan si Ivana sa ibang artista na may attitude. Sa kanyang vlog, ibinunyag ni Ivana ang nangyaring komprontasyon dati.

Ayon kay Ivana, sa ilang taon niya sa showbiz ay hindi niya pa naranasang makipag-away sa ibang artista. Gayunpaman, naranasan niya na daw ang awayin ng isa pang beteranong artista. Ibinahagi ni Ivana na ipinahiya siya nito sa harap ng ibang tao habang nagte-taping sila.

Read also: Identical Twins? Andi Eigenmann, Pinatunayan na Mini-Me Niya ang Panganay na si Ellie sa Throwback Picture na Ito

Sa kanyang vlog, hindi naman pinangalanan ni Ivana ang naturang artista, na isang sikat na host daw. “Wala akong nakaaway. May nag-away sa akin. Pero ako, never ako nakipag-away sa kahit na sinong artista kasi kailangan mo rumespeto at kailangan mo makisama sa showbiz world.”

Nagalit daw ang host matapos isama ni Ivana ang kanyang personal assistant sa dressing room. Uminit ang ulo ng host dahil daw siksikan na sa dressing room, at bigla na lamang nitong sinigaw-sigawan si Ivana.

Hindi naman daw nakasagot si Ivana noong mga panahong iyon, pero aminado siyang napahiya siya sa harap ng ibang artista.

“Lagi ko siyang pinapanood noong bata ako, kaya idol na idol ko siya. Nung nakita ko, parang napangiti ako. Tapos parang pinagsisigawan niya ako dun sa dressing room sa harap ng ibang artista. Tapos parang sabi ko ‘Hala.’ As in sorry ako ng sorry. Sobrang naano ako kasi parang sa harap ng ibang artista. Sobrang pinapahiya ako, as in.”

Matapos ang karanasan na ito, aminado si Ivana na labis siyang nasaktan. Ngunit pinayuhan daw siya ng kanyang ina na mag-move on na lamang, at gamitin ito bilang lesson sa kanyang career.

“Di naman ako mahirap kausap. Pwede mo naman ako tawagin or sigawan mo ako ng tayong dalawa lang. Pero sa harap ng maraming tao na wala naman akong ginawang masama? ‘Yun lang ang hindi ko malimutan. Isa sa mga experiences ko starting out in showbiz,” dagdag pa niya.

Read also: Larawan ni Angel Locsin na Nagte-Taping sa Publiko, Umani ng Iba’t-Ibang Reaksyon sa Social Media

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment