Miss Universe-PH Rabiya Mateo, Dumayo sa mga Liblib na Lugar Para Mamigay ng School Supplies

Noong October 2020 ay itinanghal si Rabiya Mateo bilang Miss Universe Philippines. Sa beauty pageant, marami ang nabighani sa ganda ni Rabiya, na tubong Ilo-Ilo. Sa kanyang pagkapanalo, nangako si Rabiya na magiging boses siya ng mga kababaihan at kabataan. Tinupad naman niya ang pangakong ito at ginampanan ang kanyang tungkulin bilang Miss Universe-Philippines.

Bukod sa kanyang natatanging ganda, kilala rin si Rabiya sa kanyang busilak na puso. Sa kanyang mga nakaraang interview, inamin ng 23-anyos na beauty queen na lumaki siya sa hirap. Dahil dito, gusto niyang gamitin ang boses at impluwensya niya upang makatulong sa mga taong nangangailangan.

Read also: Larawan ni Angel Locsin na Nagte-Taping sa Publiko, Umani ng Iba’t-Ibang Reaksyon sa Social Media

Kaya naman nang magwagi siya, sinigurado ni Rabiya na marunong siyang lumingon sa kanyang pinanggalingan. Isa sa kanyang mga priorities ay ang pagdalaw sa mga probinsya upang magbigay inspirasyon sa kabataan. Kamakailan lang ay bumisita si Rabiya sa isang pampublikong paaralan sa Cebu.

Sinalubong si Rabiya ng mga masasayang mukha ng mga estudyante, na tuwang-tuwa na makita ang beauty queen sa personal. Dala rin ni Rabiya ang isang nakaka-inspire na mensahe tungkol sa mga pinagdaanan niya. Ayon kay Rabiya, noong bata pa siya ay kinailangan niya ring maging maparaan dahil sa kahirapan.

“When I was elementary, I did not have much. I remember, I only had 5 pesos as my baon back then. I only had 2 notebooks for my 8 subjects. I used same shoes from grade 4-6. I had no laptop, no internet access, and there were moments I even needed to go to my classmate’s house to borrow materials.”

Dahil ramdam niya ang maging salat, naisipan ni Rabiya na mamigay ng mga school supplies sa mga bata. Personal niyang iniabot ang mga notebook, ballpen, krayola, at tsinelas sa mga estudyante. Ayon pa kay Rabiya, marami pa siyang lugar na pupuntahan upang makatulong sa mga batang kapos-palad.

Read also: Super Tekla, Nakaipon Matapos Iwanan si Michelle, Nakapagpatayo na rin ng Sariling Bahay!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment