Mga Fans, Nalungkot sa Biglaang Hiwalayan ng PBB Love Team ni Andre Brouillette at Lou Yanong

Isa ka rin bang tagasubaybay ng Pinoy Big Brother? Kung oo, malamang ay kilala mo si Lou Yanong at Andre Brouillette. Ang tambalan ni Lou at Andre ang isa sa mga pinakasikat na love team na galing sa bahay ni Kuya. Nagsimula ang love team nila noong 2018 nang maging housemates sila sa PBB “Otso” Edition. Simula noon, sinubaybayan ng mga fans ang umuusbong na pag-iibigan ni Andre at Lou.

Halos dalawang taon ring nagtagal ang relasyon ng dalawa. Ngunit kamakailan lang ay isiniwalat ni Andre na naghiwalay na sila.

Sa social media, ibinahagi ni Andre ang kanilang break-up, na talaga namang nagpalungkot sa maraming fans. Ayon kay Andre, nananatili pa rin silang magkaibigan.

Read also: Dating Online Seller, Madam na Ngayon! Nakapagpatayo ng Bodega sa Pagtitinda ng Ukay

“I’m saddened to say this but recently, Lou and I have come to a mutual understanding to move on from being a couple. We realize we’re going on different journeys in our lives, and no matter how hard we tried to make it work, it isn’t mean to be.”

Gayunpaman, hindi naman nilinaw ni Andre kung anong ang totoong rason ng hiwalayan nila. Ayon kay sa 23-anyos na aktor, parehas silang may goal ni Lou sa kani-kanilang mga career, at hindi na nila ma-work out ang kanilang relasyon. At ang hiwalayan nila ay makakatulong din umano sa self-growth nilang dalawa.

Sa kabila ng lahat, mananatiling magkaibigan pa rin ang dalawa. Ayon kay Andre, kahit pa hiwalay na sila ay isang malaking parte ng buhay niya pa rin si Lou.

Nananatiling mag-best friend ang dalawa, at nagpasalamat rin siya sa kanilang mga fans na sinuportahan ang pag-iibigan nila mula sa umpisa.

“Thank you to everyone for being so supportive to us along the way. We really did try our best, and it saddens us for it come to this realization. Your love and support helped us keep going countless times. We owe it to you guys to be honest about this. We love you all dearly, and don’t want you to be sad.”

Read also: Nurse na Ininda ang Sakit sa Binti Habang Nag-Aalaga ng Pasyente, Naputulan ng Paa Dahil sa Tumor!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa baba. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag-atubiling mag-follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment