Bilang artista, talagang napakasarap sa pakiramdam na makitang mayroong pinupuntahan ang mga pinaghirapan mo. Kaya naman todo kayod rin sila upang makapagpundar ng bahay at ari-arian para na rin sa kanilang mga mahal sa buhay. Isa sa kanila ay ang komedyante at aktres na si Rufa Mae Gutierrez. Silipin natin ang napakagandang bahay niya dito!
Sa ilang taong pagta-trabaho ni Ruffa sa industriya ng showbiz, nakapag-ipon na rin siya upang makabili ng kanilang dream home. Kamakailan lang ay masayang ibinahagi ni Rufa sa social media ang kanyang dream home!
Matapos ang mahabang paghihintay, sa wakas ay nakabili na siya ng kanyang sariling bahay sa Amerika.


Read also: Fans, Napansin ang Kakaibang Binulong ni Julia kay Joshua sa Taping ng “Paubaya!”
“Ang pagmamahal nga naman. We are so happy to be here in USA with you! Thanks for taking care of us. Thanks for the new house, for working hard, for providing. So much love in our hearts and joy for our wedding anniversary, your birthday, and Thanksgiving gift from you to me,” pahayag ni Rufa sa Instagram.
Ayon kay Rufa, isa sa mga tumulong sa kanya na makamit ang pangarap niyang ito ay ang kanyang asawang si Trevor Magallanes.
Taong 2016 nang ikinasal ang dalawa, at simula noon ay walang tigil sila sa pagkayod upang mabigyan ng maayos na buhay ang anak nilang si Athena, na apat na taong gulang na ngayon.


Talagang napakaganda nga ng bahay ni Rufa at Trevor sa United States. Maluwag ito at maaliwalas, at ayon kay Ruffa, mayroon ring sariling kwarto ang kanyang anak.
Maraming netizens rin ang humanga sa ganda ng pagkaka-decorate ng kanilang bahay, na mayroong modern chic vibes!
Sa kanyang vlog, nasaksihan rin ang komedyante na namimili ng mga furniture at bagong decor items para sa kanilang bahay. Kitang-kita na nag-eenjoy ngayon si Ruffa dahil sa wakas ay nagbunga na ang kanilang mga pinaghirapan!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment