Kamakailan lamang ay isinilang ng celebrity mom na si Andi Eigenmann ang kanyang pangatlong anak na isang baby boy. May dalawa ring babaeng anak si Andi na sila Lilo at Ellie. Ngunit kahit pa tatlo na ang anak niya at mas lumalaki na ang pamilya nila, aminado si Andi na mayroon pa ring espesyal na lugar ang kanyang panganay sa puso niya.
Si Ellie ay anak ni Andi sa kanyang ex-boyfriend na si Jake Ejercito. Ayon kay Andi, kay Ellie niya tunay na naranasan ang lahat ng sakripisyo at saya ng pagiging isang first-time mom. At kahit pa 9-anyos na si Ellie ngayon, sa mata ni Andi ay nananatili pa rin itong baby girl na unang nagparanas sa kanya ng saya ng pagiging ina.


Read also: Larawan ni Angel Locsin na Nagte-Taping sa Publiko, Umani ng Iba’t-Ibang Reaksyon sa Social Media
Kamakailan lang ay nagbahagi ang nanay ni Andi na si Jaclyn Jose ng throwback picture ng kanyang anak. Sa mga larawang ito, kitang-kita kung gaano kalaki ang pagkakahawig ni Ellie at Andi sa isa’t-isa! Maging si Jaclyn ay aminadong tila pinagbiyak na bunga ang dalawa, lalo pa’t parehas silang tisay.
Kitang-kita naman kung kanino namana ni Ellie ang kanyang kagandahan at charm. Bata pa lamang si Andi ay talagang agaw-pansin na ito. Bukod sa pagiging ‘identical twins,’ aminado rin si Jaclyn na halos parehas ang ugali ng dalawa noong sila ay mga bata pa.

Sa kabilang banda, umani naman ng iba’t-ibang reaksyon ang throwback picture na ito ni Andi at ng kanyang anak. Maraming netizens ang talagang napa-agree na mukhang pinagbiyak na bunga nga ang mag-ina! Ngunit may mangilan-ngilan namang napa-comment na kamukha rin ni Ellie ang kanyang ama na si Jake Ejercito.
Nang ipanganak si Ellie ay napagdesisyunan na ni Andi at Jake na maghiwalay. Gayunpaman, nananatili silang magkaibigan kaya naman lumaki ng punong-puno ng pagmamahal si Ellie mula sa kanyang mama at papa.


Read also: Super Tekla, Nakaipon Matapos Iwanan si Michelle, Nakapagpatayo na rin ng Sariling Bahay!
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment