Mon Confiado, May Bagong Hollywood Film na Pagbibidahan Kasama ang Isang Italian Actress

Ang industriya ng showbiz sa Pinas ay hindi nauubusan ng mga talentadong artista na laging umaani ng parangal. Sa katunayan, maraming Pinoy artists ang kinikilala hindi lamang sa Pinas, kundi sa buong mundo dahil sa angking talento nila sa iba’t-ibang larangan. Pagdating naman sa larangan ng pag-arte, isa sa mga hinahangaang aktor sa industriya ay si Mon Confiado.

Sumikat sa pag-arte si Mon Confiado sa kanyang mga roles bilang action star sa iba’t-ibang pelikula. Madalas rin siyang gumanap na kontrabida sa mga palabas.

Kilala si Mon Confiado sa kanyang pagganap sa iba’t-ibang role, at matatawag siyang isang method actor na binabago rin ang kanyang kaanyuan para maisagawa ng maayos ang role niya.

Read also: Fans, Napansin ang Kakaibang Binulong ni Julia kay Joshua sa Taping ng “Paubaya!”

Dahil sa kanyang angking talento sa pag-arte, gumanap na rin si Mon sa iba’t-ibang international films. Nakatrabaho na niya ang maraming respetadong pangalan sa Hollywood!

Kamakailan lang ay ibinahagi ni Mon na may mga naka-line up pa siyang proyekto, kasama na ang South Korean film na “The Golden Holiday.”

Bukod dito, may isa pang kaabang-abang na pelikula si Mon ngayong taon. Isa siya sa mga cast ng American movie na “Turncoat.”

Pinagbibidahan ito ng Italian actress na si Annaluisa Capasa, sa direksyon ng Filipino-American filmmaker na si Marcial Chavez. Sa Facebook, ipinasilip ni Mon ang kwento ng kaabang-abang na pelikulang ito.

“A mild mannered man lives a happy and quiet life with his Italian wife in L.A. Suddenly, mysterious people telling him he was a former hitman in Manila and charging that he is someone else for whom they’ve been looking. Is this a case of mistaken identity or he has a history no one knows about? He must confront his violent past,” pahayag ni Mon.

Maraming Filipino fans naman ang excited sa paglabas ng pelikulang ito. Siguradong award-winning ang performance ni Mon, kaya naman marami ang nag-aabang dito!

Read also: Netizen, Nadismaya Matapos Makitang Frozen Spaghetti ang Laman ng Ice Cream na Binili Nila sa Supermarket

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment