Team Kramer, Ipinasilip ang Kanilang High-Tech na Home Theater na Perfect Para sa mga Movie Nights

Kamakailan lang ay pinayagan na ng Inter-Agency Task Force ang panonood ng sine sa mga lugar na General Community Quarantine. Ilang buwan ring naipasara ang mga sinehan dahil sa COVID-19. Dahil dito, paniguradong maraming tao ang namimiss na makanood ng kanilang paboritong pelikula sa isang cinema. Ngunit kung mayaman ka, tulad na lamang ng pamilya Kramer, maaari mo pa rin ma-enjoy ang sinehan sa iyong bahay.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na mayroong maganda at impressive dream home si Doug Kramer at Cheska Garcia.

Ang tatlong palapag na bahay nila ay kumpleto ng swimming pool, gym, at basketball court! Ngunit kamakailan lang, ipinasilip ni Doug ang isa pang nakakamanghang feature ng kanilang bahay.

Read also: Kathryn, Nagulat sa Sagot ni Daniel Matapos Tanungin Kung May Pinagsisisihan ito sa Relasyon Nila

Maraming fans ang namangha sa modernong home theater ng Team Kramer. Ayon kay Doug, mahilig silang manood ng pelikula.

Sa katunayan, isa ito sa mga bonding moments ng kanilang pamilya, kaya naman nang ipatayo nila ang kanilang dream home, nagpursigi si Doug na lagyan ito ng kanilang family home theater.

Malaki ang home theater nila, at kasyang-kasya kahit pa may ibang guests! Sinigurado rin ni Doug na komportable ang kanyang mga anak sa panonood, kaya naman high quality rin ang mga lounge chairs na pinili nila.

Mababakas naman sa mukha ng kanilang tatlong chikiting ang tuwa.

“If you know me, you’ll know I’m a home theater enthusiast! A speaker lover. This took me around 5 months in total to produce and send via ocean freight! And now it’s here and I’m struggling to explain to Cheska that our house won’t lift off the ground,” pahayag ni Doug sa kanyang post sa Instagram.

Ayon kay Doug, naghintay rin siya ng limang buwan upang dumating ang mga inorder niyang speakers mula abroad.

Ngunit sa dulo, sulit naman ang paghihintay dahil enjoy na enjoy ang kanyang pamilya sa kanilang nakaka-relax na home theater.

Read also: Lalaking May Kapansanan na Laging Pinipintasan Noon, Instant Milyonaryo na Ngayon!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

SHARE

About Copy&Paste

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment