Isa ang Kathniel sa mga pinakasikat na love teams ngayon. Ang reel-to-real na relasyon ni Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay ilang taon na ring sinubaybayan ng mga fans. Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Kathryn ang intimate talks nila ng kanyang boyfriend. Sa kanilang one-on-one interview, tinanong ni Kathryn kung may pinagsisisihan daw ba si Daniel sa kanilang relasyon.
Ayon kay Kathryn, maaga silang nagkakilala ni Daniel, at simula noon, hindi na sila nagkaroon ng chance na mag-explore.
Tinanong ni Kathryn kung may mga pinagsisisihan ba si Daniel dahil napaaga ang commitment niya, kung kaya’t hindi ito masyadong nakapag-explore sa kanyang teenage years.

Read also: Halos Magunaw ang Mundo ng Nanay na Ito Matapos Bawian ng Buhay ang Anak Niya Habang Natutulog
“Eh kasi diba nameet mo ko, 16 ako, 17 ka so wala kang parang days na sinabi. Aminin natin na andami mo namang namiss, because ang aga mo nagkaron ng girlfriend, also with me, na di ka naka date with other girls, di ka naka party,” pahayag ni Kathryn sa kanilang intimate interview.
Ngunit ayon kay Daniel, kahit pa maaga silang nagkakilala ay wala siyang pinagsisisihan. Wala rin daw siyang namiss, dahil halos lahat ng gusto niyang gawin ay nagawa niya habang kasama si Kathryn.
Dahil dito, mas lalo daw lumalim ang pagtingin niya sa kanyang kapareha.

“Tignan mo naman lahat ng ginawa natin noon, kung nasan na rin tayo ngayon, yun yung importante di yung “di ako nakaparty dahil tayo” ano yun. I mean wala namang hinahanap na oras ang pagmamahalan, diba. Pagka para sayo, para sayo kahit maaga man o late, eh nagkataon na tayo maaga so walang problema.”
Maraming fans naman ang kinilig sa pag-uusap na ito ni Daniel at Kathryn. Talagang mapapa-sana all ka na lang sa pagiging matatag ng Kathniel!
Sa ngayon ay umabot na rin ng milyong views ang kanilang interview sa Youtube channel ni Kathryn.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? I-share lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang viral na kwento o balita, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.
0 comments:
Post a Comment